
Nagalaw na ang baso dahil kumilos na ang puwersa ng kafaneyan ni Anne Curtis para suportahan ang aktres sa bid nito bilang Outstanding Asian Star sa 2026 Seoul International Drama Awards.
Mula sa ikatlong posisyon, umarangkada si Anne sa second spot na dating puwesto ni Kim Chiu sa nasabing online poll sa latest tally.
Kahit papaano ay dininig ng mga tagasubaybay at mga kapanalig ni Dyosa ang panalangin ng TV host-actress na iboto siya sa nabanggit na kompetisyon.
As of this writing,lamang ng almost 4 percent si Anne kay Kim na siyang nanalo ng coveted award noong 2024 para sa seryeng “Linlang.”
Si Anne ay nominado para sa kanyang pagganap sa Pinoy adaptation ng K-dramang “It’s Okay to Not be Okay” samantalang si Kim ay in the running for the second time para sa seryeng “The Alibi” kung saan katunggali rin niya ang love team partner na si Paulo Avelino.
Nananatili namang nangunguna si Paulo sa botohan.
Halos kalahati rin ang lamang ni Paulo kina Anne at Kim kaya napakaliit ng tsansa na mapataob pa sa kanyang puwesto ang aktor to think na dalawang araw na lang ay iaanunsyo na ang kampeon.
Pero hanggang July 14 pa ang huling botohan. Naalarma ang KimPaulandia at magbabagsak daw sila ng boto.
May sorpresa rin kayang pasabog ang kampo ni Anne para manalo sa kategoryang ito?











