Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim,Vice, Nora nag-ulam ng toyo

0 17

ROMMEL PLACENTE: Maraming mga artista ang masasabi nating walang-wala sa buhay bago naging artista. Pero, nakakariwasa na ngayon sa buhay dahil sa showbiz.

Isa na rito si Jericho Rosales mga ka-Cuatros.Nanggaling siya sa isang mahirap na pamilya. Hindi na siya nakapag-kolehiyo dahil hindi na afford ng kanyang mga magulang. At para makatulong sa mga ito,nagtinda siya ng isda sa palengke at nangalakal. Hanggang magdesisyon siya na sumali sa Mr.Pogi ng Eat Bulaga noong 1996. After winning,yun ang naging stepping stone niya para pasukin ang showbiz.

At nagtuloy-tuloy na ang magagandang offer kay Jericho sa telebisyon,pelikula at bilang product endorser. From rags to riches ang naging buhay ni Echo.

RODEL FERNANDO: Kapag ganyang usapan hindi puwedeng hindi mabanggit ang pangalang Nora Aunor. Siya ang artistang naging sukatan at naging inspirasyon ng nakakarami. Mula sa kahirapan ay nangarap at ginamit ang talento upang magtagumpay. Sobrang hirap ng pamilya nila noon kaya napilitan siyang magtinda ng tubig sa tren sa murang edad. Ito ay halos alam na ng maraming Pinoy pero mayroon pang hindi alam sa naging buhay nila ng kanyang pamilya. Ito ay ang madalas na ulam nila noon ay toyo at mantika na nilalagay sa kanin. Ginagawa rin daw ng nanay ni Ate Guy na magpakulo ng tubig na may sibuyas at asin, inuulam na nila iyun. Kapag may okasyon lang daw sila nakakakain ng masarap na ulam.

Anyway, bukod kay Ate Guy,may kahirapan din dati ang buhay ni Regine Velasquez. Tulad ng ibang pangkaraniwang pamilya ay nangungutang din sila sa tindahan. At ang isa pa sa mga hindi nakakalimutan ng Songbird ay ang panghihiram niya ng damit at sapatos kapag sumasali siya sa mga singing contest. Nagtiyaga siya sa mga hiram na gagamitin niya .

MILDRED A. BACUD:Mas maraming artista ang galing sa hirap tulad nina Marvin Agustin, Diether Ocampo at Coco Martin na nagsimula bilang waiter. Halos kapareho rin ni Richard Gomez na naging service crew ng sikat na fast food chain. Pero ang layo na ng narating ng mga buhay nila . Guminhawa at nakapundar ng ari- arian. Si Ai Ai delas Alas ay dating saleslady, naging comedy queen .Si Joshua Garcia na dating dancer pero nang pasukin ang PBB nag- iba na ang buhay. Ngayon ay malaking artista na rin na sinasabing papalit sa yapak ni John Lloyd.

ROLDAN CASTRO: Dumaan din sa hirap sina Kim Chiu at Vice Ganda. ‘Yan ang rebelasyon nila sa “It’s Showtime”.

Inamin ni Kim na nu’ng wala pa siya sa showbiz ay umabot siya sa pagkaing kanin saka toyo. Ganoon din pala ang experience ni Vice Ganda.

Bukod dito, kumain din si Vice ng kanin na may condensada.

Hirit pa ni Kim napagsama rin niya ang kanin at ketchup bilang ulam.

Sey pa ni Vice pag walang pera ang ermat niya chicken noodles soup ang ulam nila o kaya ay sardinas na lalagyan ng miswa.

Ang ganitong karanasan ng mga artista ay nagsisilbing inspirasyon para magsikap, magtiyaga sa ikakasenso ng buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.