Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KimXi bumagsak sa garahe

0 51

In-assure ni Xian Lim sa mga fan nila ni Kim Chiu na hindi pa mabubuwag ang kanilang love team. Kahit pa sabihing magkaiba na ang network na pinagtatrabahuhan nila, marami pa ring abangers na sana ay muli silang magkasama sa isang proyekto.

Like it or not kasi, kung filmography nila at track record sa box office ang pagbabatayan, ang mga pelikulang magkasama sila ang masasabing tumabo sa takilya.

Katunayan, iyon mga pelikulang iba ang kanilang mga kapareha ay so-so lamang ang naging performance sa takilya.

Maituturing ding mas may following ang kanilang mga teleseryeng ginawa.

Sa isang panayam naman, sinabi ni Xian na sa kanilang pansamantalang paghihiwalay, gusto raw nilang mag-evolve individually as artists.

Bukod pa riyan, nakikita rin naman silang magkasama ng kanilang mga faney sa kanilang mga vlogs kaya hindi naman nila mami-miss totally ang KimXi.

Sa pagkagarahe ng kanilang KimXi tandem, sana naman ay maging oportunidad din ito para mag-evolve sila as artists.

Sana maging daan din ito na makagawa sila ng separate projects na kikilalanin ang kanilang galing nila sa pag-arte.

For Xian, it’s also a good career move na na-handle siya ng Viva dahil puwede siyang mag-freelance .Lalo na’t maituturing na per project ang kanyang serye with Jennylyn Mercado sa GMA-7.

Sa nasabing interview, sinabi ni Xian na it’s just a matter of time na baka muling magkatrabaho sila ng nobya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malay mo nga naman, next year, pagkatapos ng eleksyon, mabalik na ang prangkisa ng ABS-CBN, so back in each other’s arms ang dalawa.

O, di ba, happy ending?

Ronnie, Loisa nahilot sa ober da bakod

Dati na noong natsismis na lilipat sa GMA-7 sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ito’y dahil nasa GMA-7 na rin daw ang dating Star Magic founder at starbuilder na si Johnny Manahan. Pakiwari raw ng LoiNie na maaalagaan ang kanilang karera sa nasabing network.

Pero sa huli, ayon sa isang source, na-realize raw ng showbiz couple kung talaga bang magpo-prosper ang kanilang mga karera sa Siyete, to think na napakaraming contract artists at homegrown talents ng naturang network.

Kumbaga sa putahe, kung mabibigyan man sila ng proyekto sa kanilang lilipatan, hindi raw kaya lumabas na pangsahog na lamang sila sa main dish.

Naisip din daw marahil nang dalawa na sa ABS-CBN sila nagsimula at nakilala. Malaki ang utang na loob nila sa network na nagpala sa kanila.

Speaking of LoiNie , magre-rejoice na naman ang kanilang mga faney dahil balik-Kapamilya sila dahil kasama sila sa series na “Love in 40 Days” ng Dreamscape Entertainment.

Huling napanood ang magdyowa sa iWant series na “Unloving U” na ipapalabas na rin sa telebisyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.