Abante Tonite Interactive

KimXi kinabog ng mga batang starlet

1,304

Isang linggo na halos ang “Love Thy Woman” sa pamamayagpag nito sa Kapamilya Gold timeslot . Pero sa true lang, ni isang episode nito, wala pa akong pinapanood.

Sa true lang, parang hindi lang ako ang hindi ito pinapanood. Kung paniniwalaan natin ang ratings provider na AGB Nielsen, may katotohanan kaya na ang pilot episode nito ay 5.3% lamang? Super power house cast pa naman sila tapos ang kumabog sa kanila ay isang drama featuring Jillian Ward at ang dalawang the WHO no more na sina Althea Ablan at Sofia Pablo.

Wala pa bang figures mula sa Kantar Media na siya namang pinaniniwalaang ratings provider ng mga taga-Dos?

Siguro naman, milya-milya ang lamang nila sa kanilang katapat, huh. Dahil kung hindi, alam na! Laos na talaga ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim.

‘Yun lang.

***
Lea,Toni,Robin ‘di ramdam ang malasakit sa channel 2

Sa isang Facebook page, may akusasyon kina Lea Salonga, Toni Gonzaga, Jed Madela, Vice Ganda, Matteo Guidicelli at Robin Padilla.

Ang mga artista at singer na inilista, maka-pro-Duterte daw kaya takang-taka ang nagmamay-ari sa nasabing FB page kung paano nila kinakaya na may naka-ambang pagsasara sa network .Karamihan sa kanila ay mga nagtratrabaho at siyang pambuhay nila sa kani-kanilang pamilya.

Hindi totoopong pro-Duterte si Queen Bayot dahil pangmalakasan ang pakikipagtalastasan nito sa kanyang social media account patungkol sa isyu. Inaglahi na niya nga ang mga paid troll, hindi ba naman.

Si Salonga, sa kanyang Facebook page, ibinahagi ang no to ABS-CBN shutdown. Iyan maari ang kanyang simpleng pagtugon sa mga taong nagduda sa kanyang talino at maka-demokrasya.

Wala akong malay kung may kuda ang kadalasang nagmamataray na si Madela. Si Gonzaga, tikom ang bibig na dapat lang naman.

Si Guidicelli, mas prinoproblema yata ang pag-iinarte at pagmamaganda ni Mommy Divine.

Isa pa, mas tiyak na gusto niyang pagalingin ang kanyang slip disk kesa magsalita pa tungkol dito. Kahit anong paliwanag at pahayag ang kanyang gawin, wala rin namang mananalig dahil buo na ang opinion ng mas nakararami.

Si Padilla naman na alam naman nating lantaran ang suporta sa makapangyarihang ginoo at tila sa kanyang mga mata ay wala itong ginagawang mali. Dapat sigurong hindi na siya magsalita pa dahil lalong hindi kainamin ang ganoong gawi. May utang na loob siya sa network.

Sa nangyayari na tila hinihintay nating lahat kung sino ang kakampi ng ABS -CBN at kung sino-sino naman ang kaalyado ng kasalukuyang naghaharing uri, nakakalungkot na dumating tayo sa puntong “if you are not with us, you are against us.”

Ngayong ang panahon ng ligalig ay talagang nararamdaman. Maliban sa taimtim na panalangin, mas dapat na ipaglaban ang tama at hayaan na ang kabutihan pa rin ang dapat magtagumpay.

***
Bagong lalaki ni Nadine katakam-takam sa mga bayot, matrona

Sa true lang, super hotness ang bagong lalaki sa buhay ni Nadine Lustre, huh. Nung masilayan ko ang hubad barong katawan nito, ang kanyang bagong katambal para sa “Burado” na si Denkhun Ngamnet.

Bagay na bagay ang dalawa. Sa totoo lang dahil hindi puwedeng itanggi na buma-body beautiful si Lustre sa kasalukuyan at bortang-borta naman itong si Denkhun . Talaga namang katakam-takam, kadila-dila at kasamba-samba ito .

Marami na ngang mga diwata, sirena, fag hags, matrona, kababaihan at siyempre pa kasama sa equation ang mga straight acting pamhinta na wishing and hoping na maraming hubad baro scenes itong si Ngamnet.
Kumbaga, happy fiesta at orgasmic ang feeling, hindi ba naman?

Ano nga kaya ang mangyayari kung itong si Denkhun Ngamnet eh mabighani sa kayumangging-kaligatang kagandahan ni Nadine Lustre? Ay, waging-wagi iyon pag nangyari. Parang agad-agad, si Nadine na ang pinakamagandang babae sa buong sansinukob, huh!