Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinabog ni Joshua: Bea tinipid sa cake

0 98

Sa social media ay wala talagang ligtas ang mga artista sa Tiktokers .Masipag sila mag-create ng mga video at memes.

Isa sa mga napansin namin ay ang patuloy na pagkukumpara ng mga netizen kay Bea Alonzo mula nang lumipat sa GMA 7.

Pati ang cake na pinahipan sa aktres during her birthday celebration sa All Out Sundays, na isang maliit na bilog lamang ay hinambing sa cake ni Joshua Garcia na 3 layers. Hinipan naman niya ito sa ASAP Natin ‘to during his birthday celebration. Bakit daw tinitipid si Bea sa GMA?

Kinumpara rin ng ilang netizen ang nakasama ni Bea sa production number niya with some of the GMA stars. Samantalang dati daw ay big stars ang nakakasama niya.

Komento ng isa, ” Anyare Bea? From A- lister to starlet?” Pinagtanggol naman ng mga fan ni Bea ang aktres na ang importante anila ay masaya ang kanilang idolo sa naging desisyon nito.

Young actress pasaway sa taping

Grabe na raw ang pagkamaldita ng young actress na ito. Sa set ng isang serye ay hindi raw ma-take hindi lamang ng staff maging ang direktor ang attitude nito.

Hindi naman daw ganito dati ang asal niya. Pero dahil feeling sikat na sikat na si young actress,maging sa social media ay sumobra raw ang pagkaarte.

Marami raw demands ito .Mahirap tawagin sa mga eksenang siya na ang kukunan. Naku ha, hindi lang din talaga ito ang unang pagkakataon na narinig naming may ganitong attitude si young actress.

Ganern?

Kathryn, Daniel bibitawan ng mga fan

Kamakailan lamang ay naging trending sa Twitter ang mga fan ng KathNiel. Ilang fandom kabilang na ang pinakamatagal na fan club nila , ang KathNiels ay nagpahayag na maggu-goodbye muna sa pagsuporta kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi raw kasi nila ma-take ang pagsanib ng aktres sa partylist na isa sa mga nag-yes para i-shutdown ang ABS CBN.

Sabi ng ilang fans nila ay Pilipino muna sila bago naging mga tagahanga.

May mga kaibigan kaming kabilang sa fandom ng KathNiel. Ayaw niya munang pabanggit ang kanyang pangalan pero kinumpirma niya sa amin na nahahati raw ngayon ang fandom ng dalawa.

Mas marami raw ang magu-goodbye muna sa pagsuporta oras na makita nilang mangampanya ang dalawa kay Karla. May mga fan club naman daw na susuporta pa rin sa KathNiel .May iba naman daw na wala pang stand.

Tsika pa niya sa amin hindi raw ma-take ng mga fandom ng KathNiel na pinapalabas daw sa page nila ng Team Karla ang teaser ng aktres, nunpala ay pasilip na ito sa pagtakbo niya. Taliwas raw ito sa pinaglalaban ng mga fan club na ito na biglang naaalala kung paano sila nasaktan nang ipasara ang Kapamilya network, ang tahanang nagpasikat sa KathNiel.

Nagtataka naman ang mga tagahanga ng dalawa kung bakit hanggang ngayon ay tahimik sila sa isyu. Naghihintay pa rin daw sila ng statement ng kanilang idolo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.