Abante Tonite Interactive

Kinagat ng aso sa kamay

0 205

Dear Dream catcher,
Nanaginip po ako na kinagat daw ako ng aso sa kaliwang kamay tapos may isa pang aso na kinagat naman yung celphone ko. Nang tingnan ko yung palad ko na kinagat ng aso, nakita kong may lumalabas na pupu. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Diana

Dear Diana,
Ang aso ay sumisimbolo sa lo-yalty at man’s best friend. Ang panaginip na kinagat ka ng isang aso sa iyong kamay ay sumisimbolo sa disloyalty at maaaring pagtatraydor.

Sa iyong aktuwal na buhay, saang bahagi ka nakaramdam na meron taong hindi nagiging tapat o nagtatraydor at masasabing kumakagat sa iyong kamay?
Ang pag-atake ng aso tulad ng pagkagat sa iyo at pagkagat sa iyong cellphone ay posible ring indikasyon na sa aktuwal na buhay ay nararamdaman mong meron tao o mga taong nakakaapak na sa iyong pagkatao.

Maaari ring hindi naman ibang tao ang pinagmumulan ng tensyon na iyong nararamdaman kundi inner conflict ito. Ang cellphone na kinagat ng aso ay nagpapakitang hindi ka makabitaw sa isang bahagi ng iyong buhay.

Related Posts

Ang cellphone ay naging importanteng bahagi ng ating buhay at sa panaginip, puwedeng ito ang naging representasyon ng kung anumang bahagi ng iyong buhay na hindi mo mai-let go. Maaring ito rin ay isang taong hindi mo makuhang iwasan o iwanan.

Ang bahagi naman ng iyong panaginip kung saan nagkaroon ng poop sa iyong palad ay indikasyon na hindi ka komportable sa anumang sitwasyon mo.

Maaring simbolo ito ng conflict na pinagdaraanan mo sa buhay. Halimbawang meron kang kailangang gawin o may mga taong may gustong ipagawa sa iyo pero hindi mo matanggap sa sarili mo ang gagawin mo.

Pag-aralan ang iyong sari-li kung anong mga isyu ang kinakaharap mo sa kasalukuyan o maaaring ito’y napagdaanan mo na. Dito mo makukuha ang pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng gene-ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kina- laman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.