Abante Tonite Interactive

Kinagat ng aso sa panaginip

13,422

Nanaginip ako na nasa ibang lugar ako at bigla na lamang akong kinagat ng aso. Ramdam na ramdam ko ang pagkagat ng aso sa aking paa sa bukong-bukong kaya naman nang paggising ko ay tila manhid pa ito.

Ang aso ay kilala sa pagiging loyal kaya naman kung sa panaginip mo ay kinagat ka ng isang aso, sinisimbolo nito ay ‘disloyalty’ sa aktuwal na buhay.

Balikan ang iyong panaginip, bago ka ba kinagat ng aso ay nari­nig mo ang galit na pagtahol nito?

Kung narinig mo pang nagtatatahol at galit ang aso na tila nagwa-warning ay posibleng may pinagdaraanan kang aberya at tensyonadong sitwasyon.

Kung bigla ka na lamang kinagat ng aso nang walang anumang warning o pagtahol kang narinig, sinisimbolo nito ang isang pagtatraydor.

Dahil territorial din ang mga aso at ang kumagat sa iyo ay hindi mo kilalang aso, may ina­gaw ka bang maituturing na teritoryo ng iba? May nasagasaan ka bang ibang tao na pumapalag dahil pinanghimasukan mo siya? Sa isang relasyon? Sa isang bagong negosyo?

Kung wala ka namang maisip na mayroon kang inagawan o pinanghimasukang hindi mo teritoryo, maaari namang ipinapaki­ta ng iyong panaginip na may taong kumakalaban sa iyo na puwedeng kaibigan, kakilala o puwede ring kalaban sa negosyo.

Maaaring isang kasamahan mo ang nagsasamantala.

Related Posts

Posibleng magaganap pa lamang ang pagtatraydor pero nararamdaman na ito ng iyong subconscious at ipinahiwatig ito sa iyong panaginip.

Puwede mong pag-aralan kung may ganitong pangyayari sa iyong buhay na baka kaya mo pang hadlangan.

Magagamit ang panaginip mo para makapaghanda ka. Huwag maging masyadong mapagtiwala upang hindi ka maisahan lalo na kung ito’y may kinalaman sa negosyo.

Posible rin namang naganap na ito at may isang taong may ginawa sa iyong hindi maganda kaya naman sa panagi­nip mo ay kinagat ka ng aso.

Dahil masyado kang nasaktan kaya hanggang sa paggising mo ay manhid pa ang pakiramdam sa parte ng iyong paa na nakagat.

May ilan naman na ikinokonek ang panaginip sa aso sa emotional self-defense at kung paano natin komprontahin ang mga negatibong sitwasyon sa aktuwal na buhay.

Pero may sinaunang paniniwala na positibo raw ang indikasyon ng isang aso sa ating pana­ginip dahil maghahatid daw ito ng magandang suwerte sa nananaginip. Gayunpaman, ang buhay ay hindi laging puwedeng idaan sa suwerteng darating.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER­ ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panagi­nip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.