Abante Tonite Interactive

Kinakaliwa ng misis at kapatid sa panaginip

376

Dear Dream Catcher,

I’m Gio, seafarer, gusto ko lang po sana malaman kung ano po ibig sabihin o kahulugan ng aking pana­ginip. Nag-umpisa ko po itong mapanaginipan mga 8 or 9 year na po ang nakakalipas at simula po nun hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin po. Ang napapanaginipan ko po ay ang aking asawa at ang aking kuya. Sa tuwing napapanaginipan ko po silang dalawa sila po ay nagtatalik o nagse-sex. Ano po ba ang ibig sabihin o kahulugan nitong napapa­naginipan ko.
Gio

Dear Gio,

Ang iyong panaginip ay tinatawag na recurrent dream. Ang recurrent o paulit-ulit na pa­naginip ay indikasyon na merong bahagi ng iyong buhay na nagdudulot sa iyo ng stress. Kung anuman ito ay binabalewala mo lamang kaya nagpapaulit-ulit.

Ang iyong panagi­nip na pinagtataksilan ka ng iyong misis at kapatid ay hindi nangangahulugang ginagawa nga nila ito sa aktuwal na buhay. Pero bakit nga nagpapaulit-u­lit? May dapat ka na bang katakutan? Dapat ka na bang magsuspetsa? Ang sagot ay hindi. Ikaw pa rin ang higit na nakakilala sa iyong misis at sa iyong kapatid kaya tanungin mo ang iyong sarili: Magagawa ba nila ito sa iyo? Ang sagot sa iyong katanungan ang gamitin mong basehan sa iyong interpretasyon.

Kung ibabase sa mga pag-aaral, ang ganitong panaginip ay kadalasang idinudulot ng insecurities. Sa iyong kaso, lagi kang nasa malayo dahil isa kang seafarer at exposed ka rin sa katotohanang maraming tulad mo ang hindi nagiging tapat sa asawa dahil sa napakaraming temptasyon.

Habang ang iba naman ay nagiging biktima nga ng pangangaliwa dahil exposed din sa matinding tukso ang kanilang mga asawang nangungulila sa lambing ng isang asawa. Dahil sa kalagayan mo, pumapasok ang takot na ano nga kaya kung isang araw ay pagtaksilan ka ng iyong misis.

Related Posts

Alam mo bang ang panaginip tungkol sa pa­ngangaliwa ay isang common dream? Napakara­ming nananaginip nang ganito, babae man o lalaki.

Kadalasan, nasa likod ng isip ng nanaginip na may nagkukulang sa kanyang relasyon kaya pumapasok ang kanyang insecurities kaya nag-uugat ang pagdududa. Kadalasan din ang mga nananaginip ng gani­to ay nakaka­ramdam sa aktuwal na buhay ng inferiority sa kanyang partner. Kung sa tingin mo ay masyadong angat ang partner mo kumpara sa iyo at sa tingin mo rin ay ganito rin ang kapatid mo, kaya maaring sa isip mo’y naiisip mong sila ang magkabagay at ito ang puwedeng dahilan ng iyong panaginip.

Ang tanging makakaresolba para matigil na ang iyong recurrent dream na pinagtataksilan ka ng asawa mo at kapatid ay ang pagtitiwala. Magtiwala ka sa iyong misis na hindi ka niya lolokohin. Ibigay mo ang tiwalang iyon ng buong-buo at ‘wag kang magpatangay sa kung ano-anong takot.

Magtiwala ka rin sa iyong kapa­tid na hindi siya gagawa ng anomang ikakasira ng inyong pamilya.

Dream Catcher

***

Disclaimer: Ang Dream Catcher ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihi­yon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.