Abante Tonite Interactive

Kinakapos na veteran actress ‘di tinutulungan ng anak

686

Naawa kami sa veteran actress na ito na may anak na aktor. Bagama’t meron na ring sariling pamilya ang aktor ay hindi man lang tulungan ang kanyang ina. Tuloy-tuloy naman ang kanyang trabaho.

Bihira lamang magkaroon ng work ang veteran actress kaya kinakapos ito sa kanyang pang-araw-araw na panga­ngailangan.

Although hindi iniaasa ng VA (vete­ran actress) sa anak na aktor ang mga bills, umaasa siya na sana’y paminsan-minsan man lamang ay kumustahin siya.

Sana raw ay dalawin man lang siya para makita niya ang kanyang mga apo, pero hindi umano ito ginagawa ng actor. Gustong-gusto ng VA na magkaroon ng regular job tulad ng isang teleserye dahil makakatulong ito sa kanya nang malaki.

“As much as possible ay ayokong umasa sa anak ko lalu pa’t may sarili na siyang pamilya, pero sino naman ang puwede kong lapitan sa oras ng pangangailangan ko?” tanong minsan ng VA.

Nalulungkot lamang ang VA na hindi raw ganu’n ang kanyang anak nu’ng ito’y binata pa. Napaka-generous nito. Pero nang magkaroon ng asawa’t mga anak ay malaki na raw ang ipinagbago. Narerendahan daw umano ng kanyang misis. (Aster Amoyo)