Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinalasan ng gf, binata nagbigti

0 43

Wala nang buhay nang makita ng kanyang kapatid ang isang lalaki na nagbigti gamit ang kadena ng aso kamakalawa ng gabi sa Punta, Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PCplArvin Bautista, ng Manila Police District-homicide section, bago ang insidente ay may unang pagkakataon na ring nagtangkang magpakamatay ang 28-anyos na biktima mula nang makipag break ang kanyang kasintahan.

Alas-4:50 ng hapon nang madiskubre ng kapatid ng biktima ang pagpapakamatay nito.

Nabatid na papasok sana ito sa kuwarto para kunin ang kanyang sim card pero nagtaka siya kung bakit naka-lock ang pinto. Nang silipin ay nakita niyang nakabigti ang kapatid gamit ang kadena ng aso.

Kaagad umano siyang humingi ng tulong sa kanilang mga kamag anak at puwersahang binuksan ang pjntuan para maibaba ang biktima.
1 pa nag-suicide sa LQ

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natagpuan ring walang buhay ang isang truck assistant, na taga-San Andres Bukid, Maynila matapos

magbigti gamit ang cablewire, alas-5:10 ng umaga.

Nabatid sa kinakasama ng 32-anyos na biktima na nagising siya na wala sa tabi ang kinakasama at nang hanapin ay nakitang nakabigti na sa kisame ng kanilang bahay.

Nalaman na bago nagpakamatay ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at kinakasama nito dahil sa kawalan ng regular na trabaho ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia )

Leave A Reply

Your email address will not be published.