Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinalasan ng gf, call center agent nagbigti

0 239

Hinihinalang dahil sa hindi matanggap na pakikipag-break ng kanyang girlfriend, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang binatang call center agent sa loob ng kanilang bahay sa Cavite.

Hinihinalang may ilang oras ng patay ang 30-anyos na biktima, ng Imus City.

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva, ng Imus City Police Station, alas-11:00 kamakalawa ng umaga nang matagpuan ng kanyang kapitbahay na nakasabit ang leeg ng biktima sa kisame gamit ang isang lubid.

Ayon kay Villanueva, dinamdam ng biktima ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend dahilan upang magpatiwakal ito.

Wala ring indikasyon na may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.