Abante Tonite Interactive

Kinaliwa ng dyowa, foreigner nagbaril sa sarili

0 306

By Ronilo Dagos

Nakaratay ngayon sa ospital ang isang foreigner nang magbaril ito sa sarili matapos malaman na kinaliwa siya ng kanyang misis sa Batangas City.

Batay sa report ng Ibaan police station, nagbaril sa tiyan ang Cyprus national na si Shiro (‘di tunay na pangalan) sa loob ng kanilang bahay dakong alas-9:30 nang umaga kamakalawa.

Ayon sa imbestigador, natuklasan umano ng biktima na may kalaguyo na isang 21-anyos na binata ang kanyang misis.

Sinita umano ng dayuhan ang kabiyak at sa tindi ng sama ng loob ay pinaputok muna nito ng dalawang ulit sa lupa ang ginamit na kalibre .38 revolver bago itinutok sa tiyan.

Agad itong isinugod sa ospital sa Batangas at kasalukuyang inoobserbahan.