Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinalmot ng Multo sa Pagtulog

0 115

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo, nagulat ba kayo paggising niyo may kalmot na kayo o pasa-pasa sa inyong katawan?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Inamin sa #Misteryo ni Marissa ng Antipolo na psychic siya at napakasensitibo sa mga enerhiya sa paligid.

Kaya naman madalas siyang masaling o masaktan ng mga multo o nilalang sa kabilang dimensyon lalu na ng mga engkanto.

Gayunman, kaya naman niyang idepensa ang sarili sa anumang psychic attack sa kanya pero isang umaga paggising niya ay may kalmot at pasa siya sa kanyang braso.

Ito ang inusisa ng Misteryo kay Marissa…

Misteryo: “Paano mo napansin na may kalmot at pasa ka sa iyong braso? Masakit ba?”

Marissa: “Hindi ko naramdaman ang sakit pero nagulat ako ng makita ko ang mga pasa at kalmot sa kaliwang braso ko.”

Misteryo: “May panaginip ka ba na posibleng dahilan ng mga pasa at kalmot sa braso mo? May kakaiba ka bang karanasan? May nakita ka bang multo o engkanto?”

Marissa: “Meron akong panaginip…nakikipag-away daw ako sa isang lalaki na gusto mang-rape sa akin. Akala ko naman panaginip lang mukhang totoo pala yun.”

Misteryo: “Yun na nga yun kaya ka nagkapasa at may kalmot. Hindi lang basta panaginip ang naranasan mo kundi astral encounter yun kasi nag-manifest o nag-materialize yung effect ng away niyo sa panaginip.”

Marissa: “Ganun ba yun? Buti sinabi mo yan kasi Ilang beses ko na ring naranasan yan na may gusto manakit sa akin sa panaginip pero nakapanlalaban ako.”

Misteryo: “Tama yun lumaban ka kasi baka mabiktima ka ng mga engkanto o multo. This also means na talagang sensitibo ka sa enerhiya dahil psychic ka. Lagi mo protektahan sarili mo.”

Marissa: “Tama ka mabuti na lang may nalalaman din ako sa psychic defense. Tinuruan ako ng isa ring psychic friend ko. Mahusay yung white light protection pero kapag nasa dream daw kaya natin gawin lahat gusto natin to defend.”

Ang psychic attacks ay pwedeng mangyari kahit kanino kaya advice ng #Misteryo sa inyo na dapat matuto tayong proteksyunan ang sarili natin sa pagtulog. Malaking bagay yung prayer o paghingi ng proteksyon sa mga anghel at mas mainam kung marunong kayo ng psychic shield.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng metapisikal, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.