Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinapitan ng virus sa PNP 4,941 na

0 58

Muli na namang nadagdagan ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa huling datos, sa nagdaang araw ay panibagong 73 COVID cases ang nadagdag sa bilang ng mga kumpirmadong kinapitan ng virus sa Philippine National Police (PNP) dahilan upang sumirit na sa 4,941 ang kaso.

Sa tala ng PNP, 16 ang nananatiling nasawi, 111 pa ang nakarekober. Nasa 3,147 naman ang suspect habang 737 ang probable cases.

Leave A Reply

Your email address will not be published.