Abante Tonite Interactive

Kinapos sa intrega mister sinaksak

By
5

Tinarakan ang isang helper ng kanyang ka live-in matapos umanong magtalo dahil sa kapos na pe­rang inintrega ang una sa huli sa kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Nagtamo ng saksak sa kanang pisngi ngunit ligtas na ang biktimang si Romnick Arcangel, 28, habang nakatakas ang kinakasama nitong si Clarissa Mae Seregene, 27, factory worker, kapwa ng 2244 Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa report ng pulisya, alas-12:15 ng tanghal­i nang magtalo ang dalawa dahil kapos para sa kanilang pangangaila­ngan ang perang ibinibi­gay nito hanggang sa makahagilap ng kutsilyo ang suspek at itinarak sa pisngi ng kinakasama bago tumakas.