Abante Tonite Interactive

Kinarat ang buong Poblacion: Sue ‘di nagsusuot ng bra

4,048

Walang bra si Sue Ramirez sa loob ng suot niyang white top na may blazer sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 kahapon.

Buong ningning na in-announce ni Sue sa stage na naka-Amerikana siya, pero wala raw siyang bra dahil pine-peg niya raw ang karakter niyang si Adela Johnson sa pelikulang “Cuddle Weather” na isang pokpok.

Kaya tuloy ‘yung mga sumunod na nagsa-lita after Sue ay humirit naman na wala silang panty o walang brief bilang sagot sa pilyang revelation ng Kapamilya actress.

“Nagkahubaran ng kung ano-ano hanggang sa huling pelikula. Si Adela ang nag-set ng tone for today,” natatawang dayalog sa amin ni Sue.

Wala ba talaga siyang suot na bra?

“Wala talaga po akong bra. Hindi po ako nagba-bra. It’s a trivia about me, I don’t wear bra,” walang kiyemeng sagot ng tisay na dalaga.

Ito raw ang most daring role ni Sue sa pelikula and she went as far as the director needed her to go and as far as Star Magic allowed her to do.

In fairness ay isa siya sa pinakamapangahas na artista ngayon at kung anong hinihingi sa kanya ay ginagawa niya.

“Wala po kasi akong malisya. Lahat naman tayo may katawan, iba lang ‘yung sa iba, iba ‘yung sa akin. Pero pare-pareho lang ‘yan at the end of the day.

“And wala naman akong inhibitions, wala akong insecurities about myself. So, tanggap ko ‘yung sarili ko. Sana, tanggapin din ng mga tao,” pakli ng 22-anyos na Fil-Am actress.

Sex worker pareho sina Sue at RK Bagatsing sa “Cuddle Weather” na experienced prostitute ang karakter niyang si Adela habang newbie callboy naman ang aktor bilang Ram.

Obviously ay ito ang pinakamapangahas sa 10 films ng PPP this year dahil kuwento ito ng mga pokpok.

“Yes po, sensitive ‘yung topic na pinag-uusapan doon sa pelikula kaya siya mas exciting. Kasi, sorry, ha? Magmumura sana ako, pero huwag na lang.

“Kasi, walang nag-uusap tungkol dito, eh. Parang hirap na hirap ta-yong sabihin ‘yung salitang pokpok, kant­_t, ‘yung p_kpek. ‘Di ba? Bakit?

“Bakit tayo nahihirapan na sabihin ‘yung mga ganu’n ka-Tagalog na ‘yun naman talaga ang term? Anong sasabihin? Bakit parang masakit sa mga tenga natin?

“So, itong pelikulang ito ang magbubukas sa mga isip ng mga tao na hindi, hindi siya bastos. It’s just a word. Depende na lang ‘yan sa ‘yo kung paano mo tatanggapin sa tenga mo at sa utak mo.”

Ani Sue, mapangahas siya rito hindi lang sa salita kundi maging sa gawa bilang ‘yun ang nire-require ng kanyang role.ng Poblacion daw ay kinangkang si Adela Johnson?

“Kinarat ni Adela ang buong Poblacion!” walang keber na sagot sa amin ni Sue.

Nag-interview raw sila ni RK ng mga totoong sex worker at dahil doon ay nag-iba raw ang pananaw niya sa mga ito. Nirerespeto niya raw ang ginagawa ng mga ito at hindi raw ito maruming trabaho.

“Just like everybody else, tayo, ginagamit din natin ang katawan natin sa trabaho.

Ganu’n lang din sila, but in a different way. Why do we look at it in such a dirty manner, na hindi naman dapat?”

Alam ni Sue na posibleng maging kontrobersyal ang sinabi niyang ‘yon, pero okey lang daw dahil nakausap niya ang totoong sex workers at narinig niya ang kuwento ng mga ito.

Nakita niya raw ang puso ng mga ito. Aniya, ‘yun ang diskarte ng mga ito, so don’t judge them.

Sa September 13-19 ang PPP 2019 in all cinemas nationwide.

Direk Xian ‘di mamemersonal sa banat

30th birthday ngayon ni Xian Lim. Gusto niya raw magpa-party, pero nang makausap namin si Xian sa media launch ng Cinemalaya 2019 ay wala pa raw siyang napaplano.

Type niyang magpa-party dahil matagal na raw niyang hindi nagagawa ‘yon.

Pero biro niya, wala nang budget dahil sa Cinemalaya entry niyang “Tabon” na siya ang nagdirek at co-producer din.

Hindi alam ni Xian kung may pa-birthday surprise sa kanya ang girlfie niyang si Kim Chiu sa araw na ito.

Nagbabalik pala ang KimXi love team sa upcoming Kapamilya drama na “Love Thy Woman” kung saan kasama nila si Erich Gonzales.

Excited na si Xian sa directorial debut niyang “Tabon” na isang crime-mystery movie.

Handa na raw siyang mahusgahan dito bilang direktor, tutal ay hinuhusgahan naman daw siya buong buhay niya.

Hindi niya raw pepersonalin ang criticisms kahit masakit dahil may matututunan daw siya roon at maggu-grow siya as a person.