Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinder hanggang Grade 3 ikakasa sa face-to-face class

0 60

Target ng Department of Education (DepEd) na papasukin sa pilot run ng face-to-face class ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang Grade 3.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na dahil ito sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at mga medical expert na kinonsulta ng kagawaran.

Aniya, nasa 12 estudyante lamang sa kindergarten ang papayagan sa face-to-face class habang hindi lalagpas sa 16 na mag-aaral para naman sa Grade 1 hanggang Grade 3.

Dagdag ni Malaluan, tatlong oras lang isasagawa ang klase.

Nasa 120 pampubliko at pribadong paaralan umano ang inaasahang makikiisa para sa pilot run ng face-to-face class pero hinihintay pa ang go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.