Abante Tonite Interactive

KINGS NAGISING

83

Tinapos ng Kings ang kanilang four-game slide, nang magising at ungusan ang Toronto Raptors, 102-99, Linggo sa Sacramento (Lunes sa Manila).

Kinumpleto ni Darren Collison ang three-point play sa papaupos na se­gundo kung saan kumalas ang Kings sa tablahan at kinulekta ang kanilang fifth win sa 14 games.

Ang lay up at free throw ni Collison ay nagdala sa 100-97 count at pinigil ng Kings ang pagdurusa matapos ang apat na sunod na talo.

Tumapos si Collison na may 15 points at nine assists.

Si Rudy Gay ang namuno sa iskoring ng Kings, 23 points, habang nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 19.

Mula sa bench ay nakapag-ambag si Arron Afflalo ng 14 points sa 20 minutong pagsalang.

Nakamit naman ng Raptors ang ikaapat na talo sa 12 games.

May 25 points si Kyle Lowry, habang si DeMar DeRozan ay teribleng shooting ang napala mula sa 3-for-15 at tumapos na may 12 points lang.

Sa New York, kumamada si Carmelo Anthony ng 31 points at akayin ang Knicks sa 104-94 win kontra Atlanta Hawks.

Umiskor si Kristaps Porzingis ng 19 at nagbaba pa ng 11 rebounds tungo sa ikaapat na su­nod na panalo ng Knicks sa home.

Sina Derrick Rose at Courtney Lee ay may tig-14 points.

Naitala ng New York ang ikaanim na panalo sa 13 games at ipinagkaloob naman sa Hawks ang ika­lawang sunod na kabiguan.

Binigo rin ng Knicks ang double-double performance ni Dwight Howard – 18 points at 18 rebounds.