Abante Tonite Interactive

Kings nakipagsabayan pero Warriors umariba

204

Parehong nagliyab sa labas ng arc ang Golden State at Sacramento para maglista ng bagong NBA record sa combined 3-pointers sa isang laro, pero sa dulo ay kumapit ang Warriors para ipre­serba ang 127-123 panalo.

Kumana ng pinagsamang 41 3-pointers ang magkatunggali Sabado ng gabi – 21 of 47 ang Warriors, 20 for 36 ang Kings. Franchise record din ng Sacramento ang 20 3s.

Nilista ni Stephen Curry ang 20 sa kanyang 42 points sa fourth quarter at nagsalpak ng 10 tres.

“At the end of the day, we know in order to win a championship we have to get stops, and we did that in the fourth quarter,” wika ni Curry. “The 3s they were getting were mostly in transition and on breakdowns, just not communicating, and obviously they made us pay by making shots.”

Nagdagdag si Kevin Durant ng 29 points, 9 assists at 5 rebounds, umiskor si Klay Thompson ng 20 para sa Golden State.

Napuwersa sa 13 turnovers ang Warriors na nagresulta sa 3 o kaya ay dunk ng Kings, bagay na hindi nagustuhan ni coach Steve Kerr.
Limang tres ang pinakawalan ni Curry sa fourth nang kumalang ang Warriors matapos mapakawalan ang 37-22 lead sa first quarter. Tinapos niya ang final period sa dalawang free throws, 9.4 seconds na lang.

Nagsumite ng 32 points sa likod ng career-high 8 3-pointers si Buddy Hield sa Sacramento. May career-high 28 points din si Justin Jackson, nag-ambag ng 14 points at 13 rebounds si Willie Cauley-Stein.

Nagsalansan ng limang 3s si Hield sa third nang baliktarin ng Sacramento ang 81-73 deficit tungo sa 103-96 lead.
Kulang ng dalawang blocks si Durant para makumpleto ang 900 sa kanyang career.