Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinokonsulta dapat mga mayor – VP Leni

0 47

Hindi alam ni Vice President Leni Robredo kung ano ang siyensiya sa likod ng muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo sa mga lugar na nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ).

Magugunitang inaprubahan kamakailan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagbabalik-operasyon ng mga driving school, sinehan, video at interactive game arcade, library, archive, museo, cultural center, kumperensya, exhibition, at mga limitadong social event sa mga establisimiyentong accredited ng Department of Tourism (DOT) sa mga GCQ area simula ngayong Lunes, Pebrero 15.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na sana ay mas pinalahok ang mga lokal na opisyal sa pagbuo ng mga desisyon ng IATF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sana bago nagkakaroon ng deklarasyon, pinag-uusapan muna nang maayos kaysa kaunti lang `yong nag-uusap,” wika ni Robredo.

“Valid `yong observation na maraming nawalan ng trabaho, pero parati nating sinasabi na hindi puwedeng ihiwalay `yong health sa economy…Cause for concern ito, so hindi ko alam kung ano talaga `yong science behind it,” dagdag niya.

Una nang sinabi ng Metro Manila Council na hindi sila maayos na kinonsulta at iaapela nila sa IATF ang nasabing hakbang. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.