Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinoronahan ng ex

0 45

Gusto ko rin po malaman kung ano ba ang kahulugan ng panaginip ko na sumali ako sa isang pageant, hindi ako ‘yung big winner pero parang nanalo ako ng place dahil kinoronahan din ako, ‘yun nga lang ang nagbigay ng korona sa akin is yung ex-boyfriend ko. Parang mas shock ang reaksyon ko sa pagbibigay niya sa akin ng bulaklak, at korona kesa sa mismong pagkapanalo ko. Sa pagkagulat ko umalis daw ako sa stage pagkatapos nakita ko ‘yung binigay niyang bulaklak is palanta na. Hinubad ko rin ang binigay niyang korona tapos napansin ko na hindi kompleto ‘yung design parang may luma na. Naisip ko tuloy kung parang ganito rin ang tingin sa akin ng ex ko kaya niya ako binigyan ng ganito sa panaginip? Thank you po in advance sa pagsagot nito.

– Dianne

Malawak ang kahulugan ng panaginip tungkol sa korona, pero sa pangkalahatan ay umiikot ito sa ugnayan ng tagumpay, kapangyarihan at materyal na yaman.

Nangangahulugan din ito na aware ka o kinikilala mo ang lahat ng effort at abilidad na iyong ginamit para makarating sa kung ano ang narating mo ngayon. Pero kung tiara ang nakita mo sa panaginip mo, sinasabi nito na mayroon kang mga katangian na hindi mo nabibigyang pansin dahil sa pag-aakala na wala itong halaga sa iyo.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa panaginip mo ay tila luma o may kulang sa disenyo nito, nangangahulugan ito na marami kang kailangan ayusin o bigyang atensyon sa buhay mo.

Konektado rin ang anumang uri ng korona sa status at tagumpay na meron ka. Ang pagsusuot ng korona ay nagsasabi na sa kalooban mo ay pinagmamalaki mo ang sarili dahil sa matagumpay na desisyon o kaya ay pagkilala na natanggap mula sa iba na maaaring galing sa mga kasamahan sa trabaho o sa boss. Kung gold ang korona na nakita mo sa panaginip, ibig sa bihin nito ay may nalalapit na tagumpay na makukuha mo.

Kung mayroong tao na naglagay ng korona sa iyo, dapat mong ipakita na proud ka rin sa mga dati mong achievement. Pero dahil sa panaginip mo ay ang ex-boyfriend mo ang nagbigay sa iyo ng korona at bulaklak na nalalanta na, sinasabi naman nito na disappointed ka kanya. Kung tinapon mo ito, ibiga sabihin ay hindi maganda ang relasyon niyo ngayon.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.