Abante Tonite Interactive

Panis ang mura ni Liza: Kathryn malutong ang P.I.

3,209

Nakatawag agad ng pansin ng mga netizens ang malutong na pagmumura ni Kathryn Bernardo sa part 2 ng “We’re in Iceland” vlog niya sa YouTube na Everyday Kath.

Ang naturang vlog ay naglalaman ng trip nila ng boyfriend na si Daniel Padilla sa Iceland noong Oktubre last year. Noong Jan. 5 this year lang nai-post ni Kathryn ang part 1 ng trip at Jan. 18 naman ang part 2.

May habang 15 minutes ang video at naglalaman ng adventure nila sa glaciers ng Iceland at siyempre kasama rito ang glacier walk.

Sa 15 minutes na ‘yun ay talagang hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang pagmumura ni Kath ng malutong na “PI” nang muntik na siyang madulas sa glacier walk. Maririnig din ang malakas na tawa ni Daniel matapo magmura ang GF at nagkatawanan sila.

As we write ay usap-usapan na ang PI ni Kath sa social media especially sa Twitter. Ikinumpara pa nga ito sa nag-viral din an pagmumura rin ni Liza Soberano ng “tang-ina mo!” noong 2018 at si Nadine Lustre na raw ang hinihintay ngayon.

“From Liza’s “tangina mo” to Kathryn’s “putangina” hahahahahah waiting for Nadine,” komento ng isang Twitter user.

Siyempre, may na-shock na nagmumura pala si Kathryn at may mga hindi rin nakagusto nito saying na artista ito at wholesome ang image.

Pero marami rin naman ang nagtanggol kay Kath dahil tao lang naman daw ang aktres. Ang iba nga’y nakyutan pa sa pagmumura ng aktres at ito raw ang pina-cute na mura na narinig nila.

“Haha natawa ako dito. Cute mo Kath haha. And sa haters wag hypocrite. Ay sus,” komento ng isang netizen.

“Unpopular opinion: I think ok lang to curse as an expression out of shock or surprise. What’s not ok is to curse AT someone,” reaksyon naman ng isa pa. (Vinia Vivar)