Abante Tonite Interactive

Kinutuban sa proposal: Alex nagpa-manicure

514

Na-anticipate na pala ni Alex Gonzaga na magpo-propose sa kanya ang nobyong si Mikee Morada habang nasa Hong Kong sila last December kasama ang kanyang mga magulang.

Sabi ni Alex sa kanyang YouTube vlog after the proposal, may kutob na raw siya talaga kaya nagpa-manicure siya.

“Wala lang, may kutob lang ako, alam mo naman, may instinct,” sey niya.

Naka-detalye sa YouTube vlog ni Alex ang trip nila sa HK mula day 1 to day 4 na last day nila. Day 3 nag-propose si Mikee which was Dec. 27, 9:47pm sa park ng 1881 Heritage na tapat daw ng tinutuluyan nilang hotel.

Nagyaya raw ang mommy niya na mag-pictorial sa area and that time ay alam na pala ni Mommy Pinty na balak nang mag-propose ni Mikee dahil sinabi raw nito sa kanya the previous night.

Habang naglalakad ay nagsabi si Mikee kay Alex na may itatanong siya and ‘yun na. Lumuhod na ito right there and then habang si Alex naman ay napalundag na at nahulaan na ang balak ng boyfriend.

Simple lang ang proposal ni Mikee, walang maraming arte at mahahabang speech. May pagka-comedy pa nga dahil nakakaaliw ‘yung eksenang hinuhugot ni Mikee ang box na may lamang singsing sa kanyang bulsa habang si Alex naman ay excited na nag-aantay.

Katawa ‘yung nang mailabas na ang singsing, si Alex pa ang nagsabi na, “ano, tanungin mo.” Natatawa naman na sey ni Mikee, “will you marry me?” Pati si Alex ay tawa rin nang tawa at sumagot na nga ng “yes” na of course ay nasaksihan din ng kanyang parents.

Sey pa ni Alex later in the night habang nagkukuwentuhan na sila, masayang-masaya raw ang kanyang puso.

Kinabukasan ay bumalik pa sina Alex at Mikee sa spot kung saan sila na-engage at sey ng vlogger/actress, “guys, I want you to meet my fiancé.”

Sa huli ay sinabi ni Alex na masayang-masaya raw siya na i-share sa lahat ang moment na ito.

“Actually, ‘yun ang una ko talagang sinabi kay Mikee, na if ever man na magpo-propose siya, sana may video para ma-share ko sa inyo dahil ang laking blessing kayo lahat sa akin and si Mikee ay isa sa big blessings din sa buhay ko,” ani Alex.

“Pumunta ako ritong single and ngayon, uuwi ako ng Pilipinas na betrothed and may fiancé. May fiancé na ako, guys!” masayang pagtatapos ni Alex.

JC, Bela nagkasalisi

Sa presscon ng pelikulang “Of Vodka, Beers and Regrets” na pinagbibidahan nina JC Santos at Bela Padilla ay inamin ng aktor na crush niya noon pa ang leading lady, bago pa man sila nagkatrabaho sa first movie nila na “100 Tula Para kay Stella”

Pero hindi niya ito nagawang ligawan sa buong panahon ng pagsasama nila dahil nga ayaw daw niyang haluan ng personal ang pagtatrabaho nila.

“Ang pinaka-importante po talaga sa akin ay ang working relationship namin,” he said.

“At kahit maka-sampung pelikula pa kami, ayokong magbago ‘yung nararamdaman namin sa isa’t isa kung magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami,” dagdag niya.

Si Bela naman ay ngayon lang daw niya nalaman na nagkaroon pala ng crush sa kanya si JC.

“Feeling ko, salisi kami ni JC. Baka mali kami ng tiyempo sa isa’t isa and mas madali na nga na magkatrabaho na lang kami,” she said.

Wala namang regrets na hindi naging sila?

“Wala naman. Masaya ako para kay JC. Alam kong masayang-masaya siya ngayon, so I’m very happy for him,” sey ni Bela.

Well, hindi talaga sila nakatakda sa isa’t isa dahil sa ngayon nga ay happily married na si JC sa kanyang non-showbiz wife and expecting a baby girl. Inamin din ito ng aktor sa nasabing presscon.

Samantala, pangatlong pagtatambal na nina JC at Bela ang “Of Vodka, Beers and Regrets” at ang naunang dalawang movie nila (“100 Tula Para kay Stella” in 2017 and “The Day After Valentine’s” in 2018) ay parehong kumita.

Mukhang kikita na naman itong pangatlong movie nila dahil sa trailer pa lang ay makikitang naroroon pa rin ang kanilang chemistry na unang nakita sa kanila sa “100 Tula Para Kay Stella”.