Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kinuyog ng mga multo sa elevator

0 139

Mga ka-Misteryo makapanindig balahibo ang karanasan ni Lizardo nang pagtripan siya ng mga multo sa elevator. Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Guwardiya sa isang condo sa Mandaluyong si Lizardo kaya trabaho niya rin ang mag-ikot, umakyat-bumaba sa building.

Sanay na rin siyang makarinig ng mga kakaibang tunog sa pag-iikot sa gabi lalu na kapag pa-alas tres hanggang alas-4 ng madaling araw pero isang pagronda niya ang hindi niya makalimutan.

Misteryo: “Ano bang nangyari at sabi mo nga kakila-kilabot?”

Lizardo: “Nag-iikot ako na nun mag-a-alas-3 ng umaga nasa 10th floor ako nun at pababa na ako. Pinindot ko yung pababang arrow sa elevator at naghintay ako. After less than a minute bumukas yung elevator pero hindi pababa kundi pataas. Inisip ko naman may lalabas na tao pero naghintay ako walang lumabas. Nagtaka ako.”

Misteryo: “Baka naman may nagpindot nun sa baba at pinindot ang 10th floor pero bago magsara ang door biglang lumabas ng elevator sa ground?”

Lizardo: “Yun din ang inisip ko kaya binalewala ko na lang, nagkataon lang at nangyayari naman talaga yun. Then yun may isa pang elevator ang nagbukas pababa na. Yung isa nagsara na ang pinto.”

Misteryo: “Pababa ka saan kang floor lumabas noon?”

Lizardo: “Sa upper ground level to check yung mga basurahan doon kasi baka nagkalat. Nagbukas yung door ng elevator pagdating sa upperground pero heto ang nakakakilabot paglabas ko ng elevator sabay-sabay na nagbukas yung dalawa pang elevator kaya nagulat ako. Nang hintayin ko kung may lalabas, Aba wala. Sinilip ko pa nga yung isang elevator na paakyat walang tao at yung katabi nun na pababa namang elevator Wala din lumabas kaya nangilabot na ako. Bigla ko naisip na sumakay uli sa elevator paakyat para ituloy inspeksyon ko sa taas.”

Misteryo: “Kinabahan ka ba sa nawitness mo? Mukhang may naglalaro sayo ah?”

Lizardo: “Oo kinabahan na nangilabot na ko parang lumaki ulo ko. Pero heto pagbalik ko sa 10th floor may biglang hangin na sumabay sa akin paglabas ng elevator. Kaya nagparinig na ako. Walang ganyanan ha. Biglang may huminga binugahan ang kanang tenga ko. Yun na kaya napatakbo ako sa hagdan pababa.”

Mukhang malapit na nga ang undas maagang magparamdam ang mga gumagalang kaluluwa. Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.