Abante Tonite Interactive

Kinuyog si Imee

By
1,169

Kuyog sa social media ang inabot ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa kumalat na larawan at video nito habang tila nag-iinspeksiyon sa isang palengke sa Maynila.

Basang-basa ng mga netizen ang paandar ni Marcos na matunog na tatakbong senador.

Kaya imbes na pogi points ay pagkawasak, panlalait ang inabot ni Imee.

Kasi naman, ang daming puwedeng papogi eh, ganyang taktika pa ang ginawa, wasak tuloy!

***
Maraming kababa­yan nating aplikante ng pasaporte ang natuwa sa inilunsad na Passport on Wheels (POW) ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) dahil nabawasan daw ang kanilang paghihirap.

Sabagay nga naman, mahirap mag-abang ng slot sa passport appointment system dahil sa napakaraming aplikante.
Kaya sana ay mag­lunsad ng mas mara­ming POW ang DFA para mas marami pang kababayan natin ang makinabang sa bago nilang programa.

Sa pagkakarinig ko sa kuwento ng ilan na­ting kababayan, hindi lamang mga munisipalidad at mga lungsod ang naghahatid ngayon ng serbisyo ng POW, ito ay inialok na rin sa mga opisina, ospital, subdivision at mga eskuwelahan.

Ibig sabihin, wala nang dahilan ang mga aplikante para dumagdag pa sa pila sa mga pangunahing tanggapan ng DFA na nag-aalok ng serbisyo sa pasaporte lalo na sa online appointment system.

Siyempre nga naman dumayo na sa inyong lugar ang POW, aba’y ewan ko kung wala ka pa ring oras para dito. Ang dapat niyo lang gawin ay abangan kung kailan ang schedule sa inyong lugar.

May good news din tayong nasagap hinggil sa POW dahil maaari na raw mag-request, hindi lang mga LGU kundi maging ang malalaking kompanya at mga organisasyon ay puwedeng mag-request na sila naman ang maserbisyuhan.

Magpadala lamang ng written request sa mps@oca.dfa.gov.ph at tiyaking hindi bababa sa 500 aplikante pero hindi rin lalagpas sa 2,000 ang maseserbis­yuhan. Magtalaga rin ng passport coordinator na siyang makiki­pag-ugnayan sa DFA.

***

Speaking of pinag-ibayong serbisyo, ganito rin ang ramdam ng mamamayan ng Police Regional Office 4B sa Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (Mimaropa) sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Superintendent Emmanuel ‘Ringgo’ Licup.

Tumanggap kamakailan ng parangal ang pinamumunuang PRO 4B ni Gen. Licup sa Camp Crame bilang No. 1 sa Homicide Cases Under Investigation Solved award ang homicide division nito.

Ang pagkilala sa pinamumunuang rehiyon ni Gen. Licup ay nakamit sa mga panahong mainit ang giyera ng gobyerno kontra iligal na droga at apela ng mga human rights group na resolbahin ang mga kaso ng patayan sa bansa.

Take note, umabot sa 402 ang naresolbang kaso sa rehiyon simula nang pamunuan niya ito noong Enero ng taong ito.

Well, walang pinag-iba si Gen. Licup na result-oriented ang management style sa BFF at ka-mistah nitong si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

Naku naman, kung ganitong klaseng mga lider ng kapulisan me­ron tayo aba’y kampante ang publiko na hindi mangingibabaw ang mga kriminal.

General, ipagpatuloy ninyo ang maganda ninyong pamamalakad dahil tiyak may kalalagyan din kayong magandang puwesto katulad ni Gen. Eleazar dito sa Metro Manila.