Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kipruto, Kipyogei nanalasa

0 68

Namayagpag sa isang Kenyan sweep sa kanilang unang major marathon title sina Benson Kipruto at Diana Kipyogei sa men’s and women’s division ng 125th Boston Marathon 2021 sa Massachusets Lunes (Martes Manila time).

Tinapos ni Kipruto, 29, ang 42.195K sa dalawang oras, siyam na minuto at 51 segundo at ilagay sa segundo-tersero sina Ethiopians Lemi Berhanu (2:10:37) at Jemal Yimer (2:10:38).

Humarurot si Kipyogei, 27, ng 2:24:45 sa pagwalis ng Kenyan sa podium, sinilat si two-time world champion Edna Kiplagat (2:25:09). Tersera si Mary Ngugi (2:25:20).

Ibbinulsa ng hari’t reyna ang tig-$150K (P7.6M) (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.