Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kira nagliliyab ang huling pasilip

0 270

NI:VINIA VIVAR

Pinagpistahan na naman ng kanyang mga Instagram follower ang mga sexy photo na ipinost ng Kapamilya actress na si Kira Balinger.

“Last na,” ang caption ni Kira sa kanyang latest photos kung saan ay makikitang naka-sexy two-piece swimsuit siya . Nakasakay rin siya sa motorbike sa tabi ng dagat.

Sa malas ay pauwi na si Kira mula sa kanyang pagbabakasyon sa beach kaya tila sinasabi niya na huling hirit na ito.

Ilang araw nang sunod-sunod ang post ni Kira ng mga sexy photo niya habang nagbakakasyon at talaga namang rave na rave ng mga netizen and kapwa celebrities sa kanyang kaseksihan.

Hindi kami magtataka kung isang araw ay may mag-alok na maging calendar girl si Kira ng isang kilalang alak dahil sa kanyang kaseksihan. But for now, ang alam namin ay wholesome pa ang kanyang image, kaya let’s see in the near future.

Leave A Reply

Your email address will not be published.