Abante Tonite Interactive

Kiram: Biyaheng Russia sa mga BP medalist

337

Hindi lamang mga gintong medalya ang mapapanalunan ng mga pinakamagagaling na batang atleta sa 2019 Batang Pinoy National Finals na gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan kundi pati na rin ang makasama sa pambansang d­elegasyon na lalahok sa Children of Asia sa Russia.

Ito ang sinabi ni Batang Pinoy Commissioner-in-Charge at isa sa apat na mga commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Fatima Celia Kiram na siya ring Project-in-Charge at coordinator ng bansa sa Children of Asia Games na ginaganap kada apat na taon sa Russia.

Nakatakdang magtipon ang pinakamagagaling at pinakamahuhusay na mga batang atleta edad 15-anyos pababa sa buong bansa sa panghu-ling National Finals ng Batang Pinoy na gaganapin Agosto 25-31.

Ipinaliwanag ni Batang Pinoy project director at PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy na kanilang pipiliin ang mga makakapagtala ng magagandang panalo, hindi lamang sa mga nakapagwagi ng gintong medalya sa sa isang linggong torneo ang magrerepresenta sa bansa sa Children of Asia na gaganapin Agosto 15-25, 2020. (Lito Oredo)