Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiram hindi iiwan sports

0 67

Makalipas ang anim na taon bilang commissioner ng Philippine Sports Commission, handa na si Celia Kiram na maglaan ng mas maraming oras para sa 11 apo.

“This time mas marami na akong oras sa mga apo ko,” pahayag sa Abante TONITE Sports Miyerkoles ng kaisa-isang babaeng nanungkulan sa 5-man PSC Board of Commissioner.

Gayunman, hindi natatapos ang kanyang paglilingkod sa gobyerno at sa bansa, dahil marami pa aniya siyang gustong gawin sa sports.

“Marami pa akong gustong gawin para sa sports, lalo na sa grassroots,” hirit ni Kiram. “I am dreaming of having a foundation para sa mga batang atleta na pwedeng maging Olympians someday.”

Kahit plano pa ang foundation, nangangalap na sa kasalukuyan ng pondo ang outgoing sports official.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masaya din si Kiram at nagpapasalamat sa pagkakataon na maging bahagi ng PSC Board kasama sina Chairman William ‘Butch’ Ramirez, commissioners Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin.

“I am very proud to say that we are the best PSC Board. Naging harmonious ang aming relationship. We may have differences during the meetings but at the end of the day we worked as a team,” hirit pa niya.

At kung mabibigyan pa muli ng pagkakataong maglingkod sa Komisyon, ito ay kanya umanong buong pusong tatanggapin upang maipagpatuloy pa ang mga adhikain para sa mga atleta.

“I would be very honored to accept the offer if ever. Gaya ng sabi ko marami pa akong gustong gawin sa sports,” panapos na sey ni Kiram (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.