Abante Tonite Interactive

Kiram: Libo pasiklab sa Women Martial Artsfest

251

Nasa mahigit 1,000 ang tinata-yang babangas sa Philippine Sports Commission 6th Women’s Martial Arts Festival 2019 sa Mayo 29-31 sa Harrison Plaza sa Malate, Manila bilang bahagi ng layunin nitong hikayatin ang mga Pinay na sumabak sa sports.

“We want to continue what we’ve started in last year’s edition, and that is engaging with more than 1,600 women and children, pla-ying sports and
exercising their right to do so,” sabi kahapon ni PSC Commissioner Fatima Celia Kiram.

Ginawa ang martial arts festival ng PSC bilang pagsuporta sa Republic Act No. 9710 o ang Magna Carta of Women, na nagsasabing bawat babae ay may pantay na karapatan na lumahok din sa sports.

Kabilang na rito ang pagsiguro na maalis ang mga gender-based discrimination sa lahat ng competitive at non-competitive sports sa mga kababaihan upang makinabang ang mga ito mula sa sports development.
Ngayong taon, 10 sports ang lalaruin ng lahat ng kalahok kabilang ang arnis, fencing, judo, karatedo, muay thai, pencak silat, taekwondo, wrestling at wushu.(Fergus Josue, Jr.)