Abante Tonite Interactive

Kiray nilait sa OOTD

By
1,091

Nag-travel sa Hong Kong si Kiray Celis at bagama’t simula na ang ber months ay mainit pa rin ang klima doon. Nag-post si Kiray sa kanyang Instagram account habang nakasuot ng leather jacket at nakasakay sa loob ng bullet train.

Hindi naman nakaligtas ang OOTD o Outfit of the day sa mga mata ng netizen. Komento ng isa, “Naka-leather jacket ka na naman, malamig ba sa HK?”

“wag oa! Sexy yung blouse ko kaya ako nag-jacket. Minsan hindi porket nagjacket malamig. Minsan po fashio­n statement

din. AND I THANK YOU,” pagtugon ni Kiray sa komento.

Ipinost ni Kiray ang nasabing conversation nila ng isang netizen sa kanyang Twitter account at aminadong nainis sa netizen.

“Banat ni ate nang-aasar. Naasar tuloy ako! Buwahahahahaha! Char,” caption niya sa Twitter.