Abante Tonite Interactive

Kisame ng high school sa Valenzuela bumagsak

1,369

Nagulantang ang mga mag-aaral at mga guro nang biglang bumagsak ang kisame sa tatlong silid-aralan ng isang public high school sa Valenzuela City kahapon nang umaga.

Bunga nito, nagpasya si James De Vera, principal ng Valenzuela City Mathematics and Science High School (VCMSHS) na matatagpuan sa Brgy. Malinta ng lungsod, na pauwiin na lamang ang mga estudyante.

Maging ang afternoon class ng Grade 12 ay sinuspende na rin ni De Vera.

Kuwento ni De Vera, bandang alas-8:30 nang umaga abala sa kanilang klase ang mga ­mag-aaral sa 4th floor ng VCMSHS nang sabay-sabay na bumagsak ang dulong bahagi ng kisame sa Faculty Room, Computer and Laboratory at Aristotle Section, dahil sa naipong tubig.
Masuwerte namang walang nadaganan na mga mag-aaral at guro sa nasabing aksidente.
Ayon pa kay De Vera, kinukumpuni ang ilang bahagi ng kisame at kaya naipon ang tubig dahil malakas ang ulan noong Huwebes ng umaga hanggang tanghali.
Kinukumpuni na ang mga nawasak na kisame ng mga trabahador.