Abante Tonite Interactive

Kisses ‘di nilayasan ang Kapamilya

871

Para kay Kisses Delavin, importante na may blessings ang anumang endeavor niya lalo na pagdating sa karera ng mga taong nagma-matter sa kanya.

Hirit pa niya, bet niyang maging ninang ng love team nila ni McCoy de Leon ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas.

Sobrang blessed daw siya na makilala at makatrabaho ito dahil noong panahong nasangkot daw siya sa isang kontrobersya, isa raw ito sa mga nagtanggol sa kanya.

Nilinaw rin niya ang status niya na hindi pa siya officially Kapuso. Nagpalit lamang siya ng manager pero libre pa rin daw siyang gumawa ng shows sa Kapamilya network.

Speaking of McCoy, kahit nai-partner na raw sila sa ibang love team, feel niya na may kakaibang chemistry sila ng Kapamilya actor dahil nagko-complement daw ang kanilang personality.

Kung may maio-offer daw ang kanilang love team o ang McKiss, ito raw ang authenticity o pagiging totoo nila sa isa’t isa.

Kahit nagkakilala na sila noon sa Bahay ni Kuya sa “PBB”, refreshing daw para sa kanya ang makapareha si McCoy na katambal niya sa “D’Ninang” na handog ng Regal Entertainment.

Tampok ang comedy queen na si Ai Ai, kasama rin sa cast ng pelikula sina Kiray Celis, Joey Marquez, Angel Guardian at Kelvin Miranda. (Archie Liao)