Abante Tonite Interactive

Kisses ipinu-push kay Donny

By
84

SAKSI kami sa mala­king success ng grand album launch ni Kisses Delavin nu’ng Monday na ginanap sa SM Sky­dome.

This is the same show na the hour na ini-announce ng Star Music ang ticket ­selling, in 30 minutes ay na-sold out agad.

Special guests ni Kisses sina Rayver Cruz at Tony Labrusca.

Spotted sa event sina Maymay Entrata, Edward Barber, Luis Hontiveros, Awra Briguela, Kyle Echarri, Ara Mina, Say Alonzo, Nene Tamayo, Christian Morones at Ella Cruz.

Wala ang mga ipinu-push na ka-loveteam kay Kisses tulad nina Donny Pangilinan, Niel Murillo pero naroroon at nakasuporta ang DonKiss at KissNiel. Present din (kahit buwag na ang loveteam) ang KissMarc pero wala si Marco Gallo.

Marami ang nagulat sa performance ni Kisses. Very hardly kasi ito sa nakikitang nagsasayaw. Pero that night, nakipagsabayan si Kisses sa husay ng kanyang G Force dan­cers. Marami ang napanganga sa husay ni Kisses mag-perform.

‘Yung mga ate ni Kisses na sina Kim Chiu at KC Concepcion ay hindi nakarating pero nag-post ang mga ito ng congratulatory messages para kay Kisses.

That same night, nalaman namin na nag-turn platinum na pala ang album ni Kisses, selling 15,000 copies. Si Kisses din ang tinagurian ng Star Music their first Star Pops artist.

Jolina 9 weeks pregnant

KASABAY ang birthday celebration niya sa Magandang Buhay kahapon, ini-announce ni Jolina Magdangal, katabi ang asawang si Mark Escueta at anak na si Pele na buntis siya. Binitiwan ni Pele ang salitang, “I am Kuya Pele!”

Napa-“Thank you Lord!” si Jolina nang i-announce ang kanyang pagbubuntis. She is now 9-week pregnant. Ipinakita rin sa Magandang Buhay ang resulta ng pregnancy ultrasound ni Jolina.

Matatandaan na in her past interviews, madalas sabihin ni Jolina na gusto na nilang sundan si Pele.

Congratulations, Jolina at Mark sa paparating na bagong ­blessings sa inyong pa­milya.