Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kisses, Maureen ayaw paawat sa salpukan

0 79

Pangmalakasan ang pagiging trending topic ng #MissUniversePhilippines2021. Sa end ng Setyembre magaganap ang pinaka-prestihiyosong timpalak kagandahan sa tourist friendly, postcard perfect Panglao sa Bohol.

Maraming magaganda at mariririkit na dilag ang kalahok sa patimpalak pero ang beauty pageant aficionados at enthusiasts, dalawang kandidata na may showbiz connect ang pinakatutukan, si Maureen Christa Wroblewitz mula sa Pangasinan at Kirsten Daniella Delavin na taga-Masbate.

Alam naman nating lahat na si Wroblewitz ay berdaderang Asian top super model.Naging one-time, big time co-host sa “Eat Bulaga” at in a relationship sa “Buwan” singer Juan Karlos Labajo.

Si Delavin, ay batchmate ni Maymay Entrata sa “Pinoy Big Brother.” Naging katambal nina Donny Pangilinan, Tony Labrusca at Marco Gallo. Naging Kapuso star at nag-aaral sa isang yayamaning unibersidad.

Sa katatapos lang na National Costume preliminary competition, sina Ms. Pangasinan at Ms. Masbate ang kung hindi nasa una, nasa ikalawang pwesto .

Ang daming preliminary contestants sa kasalukuyang Miss Universe Philippines. Ang maging matagumpay sa mga ito, wala pa ring kasiguraduhan kung sapat na para tanghaling panalo at inaasahang maging 5th Filipina Miss Universe.

Malakas si Delavin sa text votes. Mayayaman yata ang kanyang mga panatiko at sumusuporta. Pambihira naman ang awra at impact ni Wroblewitz sa mga sabik at usyosero kung bakit talagang magaganda ang mga Pinay.

Kina Maureen Wroblewitz at Kisses Delavin, kahit pa nga crowd favorites kayo sa ngayon, hindi dapat makampante. Ang tunay na kumpetisyon at laban ay sa pageant night. Kaya ‘wag pakasisiguro dahil baka masilat pa kayo ng mga ibang dilag na may hinhin ring katangi-tangi at dakilang ganda.

Kit, Gallo pampaelya ng mga bading

May mga pelikula sina Kit Thompson at Marco Gallo na ipalalabas sa malapit na hinaharap.Talaga namang nagpapa-elya ito sa sangkabekihan.

Si Thompson kitang-kita sa trailer na may isang diwata na kay suwerteng nasupsop ang utong nito at ang pinagpala sa lahat na maricon.May eksena pa ring hinahalik-halikan ang katawan nito hanggang umabot sa crotch nito, buksan ang pantalon at makita ang kanyang underwear na may mahiwagang bukol.

Si Gallo naman, in broad daylight, hubo’t-hubad na naligo at kitang-kita ang maputi at makinis nitong pwetmalu. At ang pagkalalaki nito, wala raw plaster .

Nakakatuwa na ang mga artistang lalaki na gaya nina Thompson at Gallo. Game na game sila at walang takot na ibuyangyang ang kanilang mga katawan para sa kaligayahan ng bekibels.

Naway sa susunod nilang panunukso sa mga maricon, pang-Sean Cody, Randy Blue at Bel Ami na ang mga eksena. Para malaman na kung sino kina Kit at Marco ang may isa, dalawa, may sasampalin ka pa, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.