Abante Tonite Interactive

Kisses, Sofia, Alex ,Donny mga di pa sumisikat laos na

1,838

Dahil nga sangrekwa ang mga artista, meron talagang mga tinadhanang hindi pa nga sumisikat, laos na agad.

Ilan sa mga halimbawa, exhibit A, si Kisses Delavin. Sa true lang tayo, kahit pa nga bago ang namamalakad sa karera niya, ano pa kayang mahika ang pwede nilang gamitin para bumongga ang karera nito at ang publiko, yakapin siya? Pwede ba siyang gawing millennial Jolina Magdangal?

May bagong isyu na walang gustong pumatol. Na kesyo may mga unit daw na binabaha at hindi binabayaran umano ang kanyang pamilya. Ang reaksyon ng madlang pipol, malaking hikab at buntong hininga.

Makikipag-meeting na daw sa big bosses of a network, ang dabarkads parang look na lang sa sky.

Ni hindi ko nga maisip kung kaninong Kapuso young actor siya nababagay.Mas lalong marami ang hindi sigurado kung siya ba ay dumadalo sa mga palihan sa pag-arte at kung may natutuhan siya sa mga ito dahil talaga namang banong-bano siya sa acting department.

Kung nagsunog ng kilay muna si Delavin, tinapos ang kung ano mang kurso niyang kinukuha sa unibersidad at ang diva that you love, parang tanda na may beauty queen aspration siya, magandang reinvention sana iyon sa malayong hinaharap.

Isa pang sawimpalad, si Sofia Andres. Ano kaniyo, the WHO na si Sofia? Ang savage! Hahahaha!

Kung sa bagay, tila nawala na nga siya sa sirkulasyon at parang wala namang naghahanap sa kanya, hindi ba naman?

Ang huling chika tungkol sa hitad, may kasintahang young race car driver na Buena famiglia. Matapos yun, gone with the wind, gone in 60 seconds, lost in space and in translation ang babaing ibang klaseng mag-attitude nung mga panahon kahit paano, may mga ginagawa pa siyang kapaki-pakinabang.

Si Andres ang exhibit B sa mga hindi pa nga sumisikat, laos na agad.

Sa mga lalaking forever is not enough ang pagiging starlet, perfect halimbawa si Alex Diaz. Ano kaniyo, the WHO times two ang bisexual na si Diaz? Hahahaha! Ang lupit!

Ang nakakapang-hinayang talaga na hindi pa nga sumisikat eh laos na agad, si Donny Pangilinan, na dating kapareha ni Kisses? Hindi naman kaya si Delavin ang naging bubog at tetano sa karera ni Donny? Nagtatanong lang po.

Hearttrob kung heartthrob. Matangkad. Inglisero. Matalino. Alam mong alta. Panalo pa ang pouty lips pero sa di maipaliwanag na dahilan, sadyang hindi pa niya yata panahon. May pag-asa pa ba si Pangilinan o talagang naka-tadhana siyang hindi pa nga sumisikat eh laos na agad?

Sharlene nawindang sa pagkadawit ng Alexa-Nash war

Shocked na shocked daw si Sharlene San Pedro sa mga diumanong akusasyon ni Alexa Ilacad na may-i-bully niya si Nash Aguas.

Ang inyong violent reaction, the WHO times three, papatol ang diva that you love? Yun na! Charot! Hahahaha!