Abante Tonite Interactive

Kissing photo nina Coco-Yassi, nilagyan ng malisya

By
5,460

Triggered ang fans sa ‘kissing photo’ nina Coco Martin at Yassi Pressman na kuha sa loob ng tent sa set ng ‘Ang Probinsyano’.

Kung pagmamasdan kasi ang dalawang magkatabing pics na na-post sa Instagram ay posibleng lagyan ng malisya ang halikan ng dalawa.

Ang isang braso kasi ni Coco ay nakaakbay sa balikat ni Yassi at si Yassi ay nakahawak ang isang kamay sa leeg ni Coco habang nagki-kiss ang kanilang mga labi.

Tinanong agad namin ang isa naming source na may kinalaman sa ‘Ang Probinsyano’ kung sina Coco at Yassi na at mabilis ang sagot nito sa amin na, “NO!”

Simpleng beso lang daw ‘yon dahil nagpapaalam si Yassi at paalis na ito sa set. Nagkataon lang na tila nagtama ang kanilang lips, pero normal lang daw ‘yon sa dalawa at wala itong malisya.
Close daw kasi talaga ang CocoYas pero hindi ito dapat lagyan ng kulay dahil komportable lang talaga sila sa isa’t isa.

As in segundo lang daw ang itinagal ng smack na ‘yon, kaya hindi dapat intrigahin.

Sa katunayan, kung mapapanood daw ang video nito ay balewala lang sa dalawa ang goodbye kiss na ‘yon.

Ang totoo ay si Julia Montes pa rin daw ang mahal ni Coco at si Yassi ay balitang may non-showbiz boyfriend.

Actually, maraming CocoYas fans ang kinilig sa pic na ‘yon dahil hanggang ngayon ay nagwi-wish pa rin sila na magkatuluyan ang dalawa dahil bagay na bagay raw ang 36-an­yos na si Coco at ang 23-anyos na si Yassi.

Kaedad ni Yassi si Julia, na matagal nang napapabalitang tunay na iniibig ng Kapamilya Primetime King.

Paolo inokray sa pakikipag-break sa text

Shortlived ang na­ging love story nina Paolo Ballesteros at Sebastian Castro dahil after 3 months ay hiwalay na sila.

Si Sebastian ang nag-post sa kanyang Ins­tagram Story ng text message mula kay ‘Root Word’ na may initials na PB.

‘Root word’ ang tawagan nilang dalawa ni Paolo.

May mga umookray kay Paolo dahil bakit daw ito nakipag-break via text? Ano raw ka­yang ginawa ni Seb para maging ganu’n ang treatment nito?

May humirit din na baka hindi kinaya ng ego ni Seb kaya pinost nito sa social media para pahiyain si Paolo.

May mga naaawa dahil wala raw nagtatagal na karelasyon ang ‘Eat Bulaga’ co-host.

May nagtanong din kung bakit kailangang i-post ni Seb ang nasabing breakup text. Private message daw ‘yon, bakit nito in-screenshot?

Pa-famous daw kasi si Seb at napaka-showbiz. Kaya ang comment ng iba ay good decision ang ginawa ni Pao dahil eversince ay ‘famewhore’ daw si Seb.

Kahapon ay tinanong namin si Pao kung bakit ito nakipag-break kay Seb at ang sagot lang nito sa amin ay, “Waley! Nganga! Hehe!”

Para gawin ni Paolo ‘yung ginawa niya na ‘yon, naniniwala kami na meron siyang matinding dahilan. At feeling namin, it’s for the best.

And the mere fact na sa loob ng tatlong buwan ay nagawa niyang maging tahimik tungkol dito at hindi niya ipinagsigawan sa mundo ang lovelife niya, it must mean something.

Dati kasi ay very open si Pao sa social media nu’ng sila pa ng non-showbiz guy na last niya. Baka ‘yung sa kanila ni Seb ay dapat lang talagang itago at huwag nang ipaalam pa sa iba!