Abante Tonite Interactive

Kit ginawang saplot ang bula

918

Ang mga bakla, bumagsak ang mga panga at nanunuyo ang mga lalamunan. Ang mga babae, may kung anong bumulwak sa kanilang kaibuturan. Eh ang mga straight acting pamhinta at boy borta, nanigas ba kanilang mga ugat at pumuslit ang pre-cum?

Sino at ano ang dahilan nito? Si Kit Thompson ang salarin. Kasi naman, may photo for posterity ito na ang tanging saplot ay bula. Yes, hindi tiny bubbles ang nag-conceal sa kanyang weapon kundi malalaking bula na parang elephant’s trunk.

Iba ang payanig! Grabehan ang paandar! Panalo ang pasabog. Habang tinitipa ko ang pitak na ito, almost 40K na ang nag-like at napa-oohh lala sa larawan at may more than 2K plus na kay haharot at talanding mga comment.

Ang tanong na sana ay may sumagot, sino ang naglagay ng bula sa tila taglay na pambihira ni Kit? Siya ba mismo o may ibang pinagpalang kamay ni Hilda na siyang nagpabula ng mga dapat pabulain? Kumbaga, tiyaking kapit na kapit ito sa phallus ng binatang makisig? Eh sino rin ang maswerteng photog na pinagkakatiwalaan niya?

Sure na super sight ng photog ang penis ni Kit bago pa ilagay ang bulang panakip, huh! Inggit much tayong lahat sa kanya. Huwag sanang malaman kung sino siya kasi may chance na ma-gurlisan o ma-gripuhan siya sa tagiliran, agad-agad. Ang savage. Charot! Hahahaha!

Ano ang susunod na kabanata rito? Puwede na ba tayong magpustahan na talagang all the way ang paghuhubo para magkaalaman na kung isa, dalawa, may sasampalin ka pa at tunay na Mr. Big si Kit Thompson?

More naughty photos pa Kit para naman walang halong pag-iimbot at buong katapatan ka na naming ideklara bilang the sexiest Pinoy alive!

Kiray nagmukhang nanay ng BF

Puwede na ba nating iproklama si Kiray Celis na pinakamagandang babae sa buong sansinukob o mas bagay ba sa kanya na ideklarang bukod tanging babaeng pinagpala sa lahat?

Kakaiba kasi ang alindog at kariktan niya sa kasalukuyan dahil hindi puwedeng itanggi na ang kanyang kasintahang si Stephan Estopia ay go for gold ang pagkarahuyo sa dimunitive dalaga.

Ang emote ni Estopia para sa babaeng marikit sa IG kasi nga one month anniversary nila bilang mag-dyowa: “Happy 1st monthsary mommy!! Sorry na late post ko thank you sa lahat. Sa efforts. Sa love. Sa pag mamahal sa family ko. Thank you for making me feel loved and special. I love you very much mommy 💕 Happy monthsary.”

Pangabog ang ganda ni Kiray, dyowa na, mommy pa, huh! Bakit nga kaya mommy ang term of endearment ni Stephan kay Kiray?

Dahil sa tuwing magkikita sila ni Celis, Cerelac at Gerber ang pinapakain niya sa dyowang makisig?

Si Kiray ba ang nagpapaligo sa binata, pinupunasan at pagkatapos ay pinopolbo-polbohan here, there and everywhere?

O, huwag naman sanang pinapadede pa ni Celis si Stephan by using a feeding bottle kaya mommy ang paglalambing sa kanya?

Kathryn mas kailangan ni Piolo

Kamakailan, ang relatively young superstars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pumirmang muli sa kanilang bagong three year contract sa ABS-CBN. Ang pinaka-sikat na tambalan for real at reel, mananatiling Kapamilya.

Ilang zeroes kaya ang idinagdag sa kanilang respective talent fees? Mas naging pangmalakasan kaya ang kanilang pagyaman dahil sa bagong kontratang ito?

Walang duda naman kung gaano kahusay ang pag-aalaga ng mga taga-Dos sa karera nina Bernardo at Padilla. Sila talaga ang pinaka-popular na tambalan sa kasalukuyan at tila walang makakatibag sa kanilang puwesto at kinaluluklukan.

Ngayon pa nga lang, marami na ang sabik na sabik sa kanilang pagsasama muli sa telebisyon, ang “Tanging Mahal” at maging sa pelikula.

Sa tatlong taong kontratang ito, partikular na sa kanilang mga gagawing pelikula, mapapanood na kaya natin si Daniel na makakatambal si Sarah Geronimo, bago pa ito maging Mrs. Matteo Guidicelli?

Eh si Liza Soberano kaya, puwedeng makapareha ni Padilla para naman maiba? Ang dating crush ni Daniel, si Jasmine Curtis-Smith, makakasama niya pa kaya sa isang proyekto ngayong ito ay Kapuso na?

Si Kathryn, makakaasa ba tayo na magkakabalikan sila ni Alden Richards sa isa pang pangmalakasang proyekto? Hindi sequel sa “Hello, Love, Goodbye” kundi bagong kuwento na muling hahamon sa kanilang kakayahan bilang mahuhusay na actor o actress?

Puwede na rin bang ipareha si Bernardo sa tulad ni Dingdong Dantes o kaya Dennis Trillo na tiyak na magiging kaabang-abang at kapana-panabik na pagsasama?

Eh kay Piolo Pascual? Makatwiran bang sa panibagong tatlong taon ni Kat, makatambal niya ito?

Parang huwag na si Papa P. Sa true lang, mas kailangan ni Pascual si Kathryn kesa sa mas kailangan ni Bernardo si Piolo, and I know you know what I mean, right?