Abante Tonite Interactive

Kit lumitaw ang kargada sa lampungan kay Mylene

0 1,256

Wala palang arte sa katawan ang hunk actor na si Kit Thompson, ang naka­babatang lover ni Mylene Dizon sa pelikulang “Belle Douleur” na pinamahalaan ni Atty. Joji Alonso.

Aminado si direk Joji na may nakitang hindi dapat makita sa genitalia ni Kit sa mainit na eksena nila ni Mylene.

Pinag-plaster niya raw si Kit dito pero mayroon pa ring lumitaw at nakita, although binura raw ito ni Direk Joji. Nang tanungin kung ano ang nakita kay Kit, “It’s part of the organ,” diretsong sabi ni Direk Joji na inaming sinadya niyang diliman ang ilang kuha sa sensitibong eksena rito.

Abante Hiring – IT dep

Ayon naman kay Kit, aware siyang may lumitaw sa kanyang kargada sa kanilang love scene ni Mylene dahil hindi maiiwasan ang mga ganoong bagay.

“Yeah, I mean, trabaho… I wanna do the scene properly and I don’t need those things to be holding me back to give my best performance,” pahayag ng Kapamilya actor.

Nabanggit din ni Kit kung bakit siya napapayag na gawin ang pelikulang ito.
Saad niya, “Kaya ako napapayag is nang nabasa ko ang script, talagang nagustuhan ko siya. Well, I feel it’s not something that has been done here, before. And ‘yung theme niya and ‘yung treatment, it’s very different.”

Bakit game siyang gawin ang love scene nila ni Mylene nang walang plaster?
“Well kaya ko ‘yon inano, hindi naman sa ipapakita ko ‘yong ano ko… it’s because of the shots na parang ang daming kailangang ianggulo ‘yong katawan ko para hindi makita ‘yung plaster. So, sinabi ko, ‘Tanggalin na lang kaya natin para hindi na tayo mahirapan?’ Kasi nakakailang takes na, eh. Pero nakuha naman.”

Tinablan ba siya sa kanilang love scene ni Mylene? “Alam mo, mahirap kasing malibugan kapag maraming nakatingin, eh. Parang mas nakakaurong iyon ng… Hahahaha! I-try n’yo na may nakalagay na plaster, hahahaha!”
Palabas na ang “Belle Douleur” ngayong August 14. (Nonie Nicasio)