Abante Tonite Interactive

Kit Tatad laos ka na! – Palasyo

347

Kinantiyawan ng Malacañang si dating Senador Kit Tatad dahil sa sablay na impormasyon nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagkainis ng Pangulo kay Tatad at binantaang sasampalin kapag nagkita sila sa isang lugar.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bago magsulat si Tatad ng kung ano-ano ay dapat na i-check muna nito ang kanyang impormasyon para hindi siya makuryente sa kanyang kolum.

Inalmahan ni Pangulong Du­terte ang isinulat ni Tatad sa kanyang kolum na nagpa-kidney transplant umano ito .

Sinabi ni Panelo na ang petsang isinulat ni Tatad kung kailan sumailalim umano sa kidney transplant si Pangulong Duterte ay noong panahong nanood ito ng biofilm ni da­ting Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Dahil dito, sinabi ni Panelo na tapos na ang panahong pagiging spokesman ni Tatad kaya dapat tumigil na ito sa paggawa ng mga walang basehang isyu laban kay Pangulong Duterte.

“ Ang message ko kay Tatad, “Noy, bago ka magpaluwas aning mga column mo, mag-verify ka muna kasi. Verify. Can you imagine you are saying may kidney transplant, nanood pala doon sa Megamall, kay Bato. Your days are over as Spokesman of the former Pre­sident Marcos. Igalang natin,” ani Panelo.