Abante Tonite Interactive

Kit tinanggi si Pia

426

Mainit ang naging tanungan kay Kit sa kanyang panayam sa “Tonight With Boy Abunda”.

Tinanong ang aktor kung may naging relasyon ba sila ni Pia Wurtzbach.

Mariing itinanggi ng aktor na may namagitan sa kanila ng beauty queen.

Hindi rin umano siya nagkaroon ng interes na ligawan si Queen P.
Naging mabuting magkaibigan lang umano sila ni Pia at ang tawagan pa nga nila ay “Lucky Ones” dahil sa sabay nilang natupad ang pangarap na makapunta ng New York.

Sa ngayon ay in a relationship si Kit sa kanyang non-showbiz girlfriend. (Ronaline Avecilla)