Abante Tonite Interactive

Kit willing sa frontal nudity

1,007
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioDahil naka­sentro halos­ lahat sa KathNiel, ako talaga ang chinika ko, ang bagong balik sa pag-arte sa ‘Pinas, si Kit Thompson sa mediacon ng ‘The Hows of Us’.
Juice colored! Kay tangkad. Kay guapo. Lean ang katawang pang romansa. Balbas sarado pa na parang ‘pag dumikit sa katawan ang mga ito, may kiliti at kuryenteng hatid.
Bago ko pa siya makausap, nagpaalam na magpupunta sa washroom, ang isang kamay niya, idinantay sa likod ko. Ano ba ‘yun, napaigtad ako. Hahahaha.
Sa kanyang pagkawala, Kit took acting clas­ses in New York at Los Angeles. Ang bongga pa sa binata, ‘pag kausap mo siya, he looks at you straight in the eye, may tingin siyang parang gusto kang halukayin.
Ang panalo pa sa kanya, lahat ng gusto mong tanungin, sinasagot. Matatandaan na apat na taon na ang nakalipas, naaresto ang binata sa isang music event sa Clark dahil sa pagma-marijuana.
Did that experience help him in a way? Reaksyon ni Kit na may halong tawa at pagkahiya, “Help?”
“Humirit ako, lesson niya sa kaganapan.”
“Lesson… Marijuana… huwag ‘yan! Huwag ‘yan! Duterte, nakikinig! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Paliwanag niya, “Of course, I did learn a lot of from it. I think it was part of my aggressive youth.  Feeling free, I guess, alam mo naman, siyempre bata pa, e. Growing up. Learning from your mistake.”
Huli kong nakausap si Thompson, sa Cinemalaya 2014 kung saan isa siya sa mga bida sa #Y. May masturbation scene siya sa pelikula while taking a shower.
Ngayong balik na siya sa limelight for good, ‘pag may offer ba siyang higitan ang ginawa niya sa pelikula ni direk Gino Santos, papayag ba siya? Walang halong pag-iimbot at buong katapatan niyang sagot with matching diin talaga, “Oo naman! Oo naman!”
Hanggang saan ang kaya niyang gawin, keribels niya bang mag-frontal nudity? Paspas niyang sagot, “Why not? Basta ako, nagugustuhan ko ‘yung script, gagawin ko.”
Naku, tiyak na mas marami na ang magmamahal sa iyo Kit Thompson, dahil sa  pagpapakatotoo mong ito.
Sayang, hindi ko naipakita sa kanya ang alleged bidyo na siya ang itinuturong bida, ang saya sigurong makita ang kanyang reaksyon. Hahahaha!
***

Ina ni Marlo yumao na

Sigurado naman ang diva that you love, kilala o namumukhaan niya at sa true lang, hindi ko siya maituturing na kaibi­gan pero si Marlo Mortel, tuwing nakikita ako, laging nakabati at may matamis na ngiti.
Ang kanyang matatamis na ngiti, hindi maitatago ang katotohanan na may mababanaag kang lungkot sa kanyang mga mata, dahil nga ang nanay niya, matagal na rin namang nakikipaglaban sa isang matinding karamdaman.
Dakila ang pagmamahal ni Mortel sa kanyang ina dahil siya talaga ang naging pader nito, pinansiyal, lalo na ang emosyonal, na walang sawa niyang ibi­nigay sa kanyang mom.
Ang mommy niya, tapos na ang laban sa buhay. May she rest in peace.
Sa Instagram, may madamdaming mga pahayag ang binatang ulila na sa ina ngayon, “Mommy. I can’t believe this is happening. I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go. All you ever did was love me and take care of me. I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me Patuloy pa nitong paglalahad, “You were almost gone the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for 2 more days. We were able to say our goodbyes. But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni daddy. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now.”
Pagtatapos ni Marlo, “My love for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sayo at sa amin ni daddy. MAHAL NA MAHAL KITA.”
Awwww….. his post made me tear up. Damang-dama ko ang kanyang lungkot. Parang gusto kong makita si Mortel at biglang yakapin, yung mahigpit na mahigpit.
Sure ako na all phases of grief, pagdadaanan ni Marlo. At alam naman natin na we need to give him space and time to heal.  Iba kasi talaga ang dynamics ng mother and son relasyon.
Pakikiramay kay Marlo Mortel. Alam kong hindi mo bet na mabasa ang “kaya mo iyan,” “I understand how you feel,” o ‘yung, “this too shall pass.”
Love heals, Marlo. God heals. Yakap na mahigpit.
***

James pang-apat sa pinakaguwapong lalaki sa buong mundo

Si James Reid ang itinanghal na 4th Most Handsome Men From All Over the World, ayon ‘yan sa isang international entertainment portal.
Ang nakakaloka, ang deskripsyon kay Reid na siya ay isang singer. Ang hanash sa Bright Side, “James’ parents divorced and he lived with his father until he was 15 years old. When his dad started having financial issues, James’ mother, a former singer, took the boy to the Philippines where he won a local reality show and became popular.”
Ikatuwa kaya ito ni James? Magbunyi kaya si Nadine Lustre, ang reel at real partner ni Reid? O mas magbubunyi ang JaDine fanatics sa pangyayaring ito?