Abante Tonite Interactive

Kita-kits sa 10th World GameFowl Expo 2020

662

Mga klasmeyt ngayon magsisimula ang may tatlong araw na 10th World GameFowl Expo (WGE) 2020 na tatagal hanggang Linggo sa World Trade Center sa panulukan ng Roxas Blvd. at Buendia Ave. sa Pasay City kaya kita-kits tayo dun.

Sa nakaraang WGE, nakakuha ako ng pandagdag na materyales ko sa pagbi-breed, galing sa AEJ at ang bloodline ay Golden Boy Sweater x Gilmore, 50-50 po siya. Masaya ang pasyal namin ng mga kasamahan ko kung saan nanalo kami sa mga games, nakakuha kami ng mga libreng gamot at nakakain din nang libre kaya sulit ‘yung P200 na entrance fee.

Halos nasa P8,000 ang halaga ng mga napanalunan naming mga gamot at vitamins sa pagko-condition ng manok, sali lang nang sali sa mga palaro. Kaya subukan niyo rin pumunta sa WGE mga kasabong. Ako na ang magsasabi sa inyo na masaya.

May mga paseminar din, pero ‘di na ako nakapunta, kulang ang isang araw kung puwede lang bumalik ako kinabukasan.

Tapos ng WGE ay ilalarga naman ang 2020 World Slasher Cup 9-Cock International Derby sa Lunes sa Araneta Coliseum kaya halos dalawang linggong masaya ang mga sabungero.

Siyempre may World Pitmaster din, na nakatakda naman sa Enero 29-Pebrero 12.
***
Congratulations sa SevDong GameFarm dahil sa tagumpay ng team nila nang pumasyal sa IGF nitong Sabado. Good Luck sa mga gagawin niyong broodcock sana makapagpapisa kayo ng marami.

***
Happy Fiesta sa Linggo sa mga kasabong ko sa Pandacan, Manila. Mabuhay po kayo.

***
Pahabol mga klasmeyt, baka may alam ka­yong binebentang lupa bandang Antipolo, maliit lang pang-breed lang. PM niyo ako sa FB ko. Salamat.