Abante Tonite Interactive

Kita ng pelikula ni Sarah nalampasan ng KathNiel

By
375

ROMMEL PLACENTE: No doubt, sikat na sikat talaga sina Kath­ryn Bernardo at Daniel Padilla. Sila pa rin ang nangungunang loveteam sa bansa. Ang latest movie kasi nila titled “The Hows of Us” ay tumatabo sa takilya mula sa Star Cinema at sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Nu’ng August 31 ay kumita ito ng P116,943,914.02. Grabe na ‘to, ‘di ba? Sa mga susunod na mga araw, siguradong mas lalong lalaki ang ki­kitain ng nasabing pelikula. Hindi talaga pinababayaan ng kanilang mga fan ang KathNiel, lagi nilang sinusuportahan ang bawat proyekto na ginagawa ng dalawa.

Pero hindi lang naman mga tagahanga nina Kathryn at Daniel ang nanood ng pelikula. Kahit hindi nila tagahanga ay sumugod sa mga sinehan para manood ng “The Hows of Us”. Naging word of mouth kasi ito, dahil sa ganda ng istorya, dahil sa magagandang reviews na natanggap nito. Hindi pa namin ito napapanood, pero isa sa mga araw na ito ay pa­nonoorin namin ito, para ma-witness din namin kung gaano kaganda ang pelikula.
Anong masasabi ninyo, ­ka-Cuatros?

MILDRED BACUD: Tama ka d’yan friend Rommel, and as of this writing, dinagdagan pa ng sinehan ang pagpapalabas nito na umabot na nga sa 330 theaters nationwide. Ito pa lang ang pelikula ng Star Cine­ma this year na umabot sa double fi­gure, actually sa lahat na ng pelikula na pinalabas sa taong ito. Buhos talaga ang pasasalamat nina Da­niel at Kathryn sa mga sumuporta sa kanila. Grabe rin ang dami ng block screening na ino-organize ng fans ng da­lawa na halos hi and hello na lang daw ang nagagawa nila para lamang ma-accommodate sila.
According to our source, ang KathNiel ang may pinaka-malaki pa ring fan base and take note ha, mayayaman daw ang mga fan ng dalawa na talaga namang gumagastos para sa kanilang idolo. Hindi naman nakakapagtaka dahil kita naman sa blockbuster ng kanilang pelikula.
Mahirap pang makipagsiksikan sa sinehan ngayon. Naalala ko tuloy, mga friend, ang pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, ang “Second Chance” na may ganito ring katinding impact sa manonood. Ikokonek ko na rin ang sinabi ni Direk Cathy Garcia Molina na si Da­niel ang parang John Lloyd daw sa buhay niya. Totoo naman. Kasikatan and acting wise.
Ano kaya ang sikreto ng Kath­Niel na wala ang ibang loveteam?

RONA ‘RONDA’ AVECILLA: Trulala! Kakaiba ang che­mistry ng KathNiel. Once na mapanood sila sa pag-arte ay babalik-balikan at aabangan ang pelikula nila.
Maski ako na fan ng KathNiel ang makakasaksi kung gaano pinipilahan ang mga pelikula nila taon-taon. Talagang sa tuwing ila­labas ang petsa ng pelikula nila ay mamarkahan mo ang kalen­daryo niyo. Nakadagdag din sa word of mouth ang mga hugot dito. Ang dami ngang naglalabasang mga hugot meme sa Face­book. Isa sa mga mabibigat na eksena sa “The Hows of Us”. Katulad sa pelikulang “Kita Kita” ay may iba pang mga netizen na nagbibigay ng sarili nilang review kung bakit dapat panoorin ang movie.

RODEL FERNANDO: Sobrang lakas talaga ng pelikula ng KathNiel pero may konting duda pa rin ako sa lumalabas na figures na ­kinita nito.
Ganunpaman, congratulations ­talaga at masasabi kong sila ang bankable loveteam sa Philippine showbiz nga­yon.
Nadaig na nga ang pelikula ni Sarah Geronimo na kung ‘di ako ­nagkakamali ay ‘di pa yata umabot sa P100M sa 7 days. Isang factor siguro ay ­walang presscon si Sarah sa naturang ­movie na dapat sana ay lalo pa itong ­umingay. Pero kumikita rin ­naman ang movie ni Sarah.
Sana ‘yung mga susunod na ipapalabas na Pinoy films ay kumita naman tulad ng mga pelikula nina Sarah at KathNiel.