Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kitkat ayaw makipagbati kay Janno

0 321

NI: ROLDAN CASTRO

Kumalat ang balitang makakabalik daw sina Kitkat at Janno Gibbs sa noontime show ng Net 25 na ‘Happy Time’ kung magkakabati sila.

Nagbigay raw ng mensahe ang kampo ni Janno na willing sila makipag-reconcile pero wala raw siyang sagot .

“Talaga po? Ako po wala akong balita po… Nasa state pa po kami ng shocked din now at nanakawan kami po kuya ko. Hinga hinga sa life ako. Tsaka di ba po kuya tagal na ko nagre-resign talaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Walang point po kung magkaayos kami or hindi hehehe… Tsaka po nagte-therapy po ako now.Bumalik po depression at trauma ko nu’ng nangyari ang mga ginawa sakin,” pakli niya sa chat.

Maraming pinagdadaanan si Kitkat ngayon.

“Opo kuya ko.Grabe pagsubok na nararanasan ko ngayon. Alam kong may malaking kapalit ang lahat ng ito. Ang mahirap lang kalaban ang mental health ko kaya eto bumalik na naman ako sa doctor para mag-therapy dahil sa mga trauma na natatamo ko,” saad pa ng komedyana-tv host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.