Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kitkat dusa sa food poison

0 307

Namilipit sa sakit ng tiyan si Kitkat , ang kanyang mister at mga kasama sa bahay dahil sa food poison sa seafoods.

“Iluluwa ko na kaluluwa ko kaka-suka at nais ko nang alisin intestines ko sa sakit ng tyan ko, doble-doble hilo ko at ‘yung pupu ko parang umiihi din. “Food poison kaming mag-asawa, ano gawin namin ayaw namin ng ospital, suka, pupu tubig, super sakit tyan at hilo kami,” dusa niyang pakiramdam na mababasa sa kanyang Facebook account.

Dagdag post pa niya, “Actually lahat kaming tao dito sa bahay… Help po sa mga friends naming mga Doctor po ?? kumain po kami kagabi ng seafoods… at ngayon grabeng pakiramdam na parang mamamatay kami… sobrang sakit at grabe na panghihina namin… “FOOD POISON” totoo talaga sya di sya biro.. oh Lord .”

Kinumusta namin ang kalagayan ng host ng “Happy Time” ng Net 25 sa pamamagitan ng messenger.

“Hi po tito. Asawa ko po at mga kasama sa bahay lahat ng kumain ng seafood pwera labandera na hindi kumain seafood e nakakatayo na at normal na ulit ngayon though may pananakit pa din sila ng tyan,” lahad niya.

SM food to go Banner Ad

“Ako po super sakit pa din tyan pero hindi na nagsusuka at di na nanghihina nakakabangon na po ako paminsan na pupu nalang po na hindi na tubig pero malambot pa din ung pupu.. mukhang pa ok na din po.

“ STAPH TOXIN po tumama samin galing sa contaminated seafood po.

“Sure kami kasi lahat kami pagkakain ng seafood ilang oras lang nagsuka na except sa hindi kumain na labandera

“Nag dextrose po kmi dito sa bahay kasi nung Sat hinang- hina kmi,” sey pa ni Kitkat.

Minabuti nilang sa bahay na lang magpa-swero at di sa ospital dahil sa pangamba sa pandemya ng COVID-19.

Get well soon Kitkat.

Leave A Reply

Your email address will not be published.