Kitkat napraning sa unang labas

NI: NONIE NICASIO
VERY vocal sa kanyang social media account ang singer/comedienne na si Kitkat sa pangambang ma-infect ng COVID-19.
Kaya naman talagang nag-iingat siya at hindi lumalabas ng bahay .Alam niya kung gaano kaseryoso ang virus na ito, bukod pa sa deadly talaga.
Pero last Monday ay napilitan siyang lumabas ng bahay after five months and seven days. Aminado siyang na nakaramdam siya nang pagkapraning.
Esplika pa ni Kitkat, “Paglabas ko, parang mahihimatay po ako. Pagbukas ng pinto, grabe agad ang pawis ko sa kaba. ‘Tsaka iyong feeling na paglanghap ko pa lang ng hangin, mahihimatay ako, hahaha!
“Super napraning po ako, as in iyong feeling na parang sumasakit ulo ko, ang sakit throat ko, ang sakit ng katawan ko, kahit hindi naman, hahaha!”
Babu na sa Bulaga: Anjo may bagong noontime show
Napilitang lumabas ng bahay si Kitkat para makipag-meeting sa bagong show sa Net25.
“Opo may bagong show ako, noontime show po namin ni Anjo Yllana, magsisimula very soon sa Net25, Eagle Broadcasting Corporation. Monday to Friday po siya… as of now ‘yun pa lang po muna ang masasabi ko,” sambit niya.
Si Anjo ba, wala na sa ‘Eat Bulaga’?
Tugon ni Kitkat na isa ring endorser ng BeauteDerm, “Hindi ko po alam, pero kasi sa Sugod-Bahay po siya, ‘di ba?”
Aminado rin si Kitkat na matindi ang epektong dulot sa kanya ng pandemic na ito.
“Lahat po ng negosyo namin ay nagsara, parang bangungot po ang nangyari talaga at tuwing magbabayad ng mga bills at mga bayarin, super-nakakalungkot na paubos na ang ipon namin,” sambit pa niya.