Kitty Duterte pagaling na sa dengue

289

Gumaganda na ang kalagayan ng ­Presidential daughter na si ­Veronica ‘Kitty’ Duterte na tinamaan ng dengue.

Ito ang inihayag ni Presidential ­Spokesman Salvador Panelo ­matapos tanungin ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avancena hinggil sa kundisyon ng kanyang anak.

Ayon kay Panelo, ­pagaling na ang bunsong anak ng Presidente batay na rin sa text message ni Madam Honeylet.

“Ang pagkaalam ko pagaling na siya. Tinanong ko from the mother, kung okay na, sabi niya pagaling na. Tinanong ko lang ‘yung condition,” ani Panelo.

Nasa ospital ang Pangulo kung saan ­naka-confine si Veronica batay sa mga ­lumabas na larawan nito sa ­Instragram ng anak kung saan tinawag pa siyang ‘daddy shark’. (Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...