Abante Tonite Interactive

Kitty Duterte: Straight ako!

667

Sa isang special interview, nagkuwento si Presidential daughter Veronica “Kitty” Duterte ng kanyang mga views about life, mga plan tungkol sa showbiz, mga beauty regimen nito at maging ang kanyang sexuality.

Ipinakita ni Kitty ang cute side nito at natural lang sa pagsagot ng mga tanong sa vlog ng friend niya na si Kyra Valentin. Diretsahan din nitong sinagot ang tanong sa kanya na, “Ate bisexual ka po ba?”

“I-clear ko lang kasi madami rin talagang nag-a-ask. No po, I’m straight,” sabi ni Kitty.

Bukod pa rito, sinagot din ni Kitty ang mga tanong tulad ng kung gusto ba nitong maging aktres at mag-aral din abroad.

Sabi niya, wala siyang plano na sumabak sa showbiz pero inamin nito masaya siya sa maggaganap sa mga dramatic role sa school at mas gusto nito na mag-aral sa bansa dahil ito gusto ng kanyang ama.

Natanong din si Kitty kung paano nito hina-handle ang mga negativity.
Para kay Kitty, “Wala naman akong magawa sa kanila, kaya inisip ko na ano ba ang nagawa nila sa akin na magbigay ako ng attention sa kanila.”

Higit 200,000 views na ang video na in-upload noong July 5, at base sa mga comment, tuwang-tuwa ang mga netizen na mas nakilala nila ang presidential daughter.

Sabi ni Tamara Irish, “I can’t stop looking at veronica’s face.”
Para naman kay Pipers Daughter, “The more you stare at kitty, the more she resembles Jodi Sta maria.?? so pretty!” (Gel Manalo)