Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘KKB’ puwede sa SEA Games

0 153

May tsansa pa rin ang mga atletang makasama sa national delegation sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam bago matapos ang taon kahit ‘di swal sa primary criteria sa selection basta kanya-kanyang bayad o KKB.

At kung mananalo ng medalya sa November 21-December 2 biennial sportsfest, mababawi ng national sports association (NSA) ang mga nagastos sa pagbabayad ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sumang-ayon na sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino at PSC commissioner at Team Philippines chef de mission Ramon Fernandez na tanggapin ang mga atleta batay sa basbas ng POC-PSC Vietnam SEA Games Task Force.

Mayroon spot na para sa PH roster ang lahat ng 2019 SEA Games medalists para sa Vietnam SEAG, base sa category A criteria habang bibigyang pwesto naman ang mga atletang inirekomenda ng NSAs na makakapagbibigay medalya sa bansa batay sa category B. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.